CHAPTER 46

10.5K 226 27
                                    

HELL'S POV:

Ilang araw na akong hindi mapakali dahil hanggang ngayon wala parin akong balita sa DNA Test Result.

Tinawagan ko si BS pero hindi sinasagot ang mga tawag ko. Ano kayang nangyari sa babae na iyon.

KNOCK

KNOCK

KNOCK

"Wait" sigaw ko at tumayo sa kama.

Binuksan ko ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko at bumungad sa akin si Matt.

"Nandyan ang mga kaibigan mo" seryoso nyang sabi sa akin.

"Sino?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sila Angelica" sagot nya sa akin.

Oh, ano naman ang ginagawa nila rito? Anong meron at napasugod sila rito?

Bumaba na kaming dalawa ni Matt para makita ko ang mga bisita ko. Hindi nag tagal nakarating na kami sa living room at nakita ko sila na umiinom ng juice at kumakain ng cake.

"Hell, kumusta kana?" bati nila sa akin. Yayakapin sana ako ni Rhianna pero pinigilan ko sya.

"Ayos lang, anong ginagawa nyo rito?" takang tanong ko sa kanila.

May binigay si BS sa akin na isang envelope.

"Ito na yung inutos mo sa akin, sumama sila rito dahil gusto ka nilang makita" sabi ni BS at inabot ko ang hawak nyang envelope.

"Ano 'yan?" takang tanong ni Sky.

Kompleto kaming lahat ngayon, ang Cosa Nostra at ang mga kasamahan ko.

"DNA Test Result" sagot ko sa kanya.

Walang salita at bigla nyang inagaw ang hawak ko.

"Nino?" takang tanong ni Bria.

"Me and Mr. Montegrande" sagot ko sa kanya.

Bigla silang lumapit lahat kay Sky na katabi lang si Matt. Binuksan ni Sky ang hawak nyang envelope at binasa nila ang laman nito.

"Oh God!" hindi makapaniwalang sambit ni Ella.

"Totoo ba ito?" tanong ni Xander.

Ano kaya ang resulta?

"Hmmp, anong sabi?" seryosong tanong ko sa kanila.

Hinablot ni Matt ang papel at nag walkout. Kitang kita ko sa mga mukha nila na hindi sila masaya. Kinakabahan tuloy ako, hindi sila masaya na anak nga ako ni Mr. Montegrande o hindi sila masaya dahil negative ang resulta?

"Zaylee, anong sabi?" tanong ko kay Zaylee.

Lumapit sya sa akin.

"Negative. Hindi mo ama ang ama nila Sky at Matt. I'm sorry" sagot nya sa akin. Ramdam ko ang lungkot sa boses nya.

Oh okay.

"See, sabi ko sa inyo na hindi nyo ako kapatid. Ninakaw ko ang gamit ni Mr. Montegrande para sa DNA Test namin, ginawa ko iyon upang matapos na ang mga haka-haka. Ngayon na alam na natin ang totoo, siguradong titigilan nyo na ako at ang ina ko" seryosong sabi ko sa kanila.

Pero deep inside, gusto kong umiiyak. Nasasaktan ako sa nalaman ko. Umasa kasi ako, ang gago ko talaga.

Wala silang imik, napaiyak si Sky.

"Aalis na muna ako, huwag nyo akong susundan. Gusto kong mapag-isa" sabi ko sa kanila at iniwan ko sila.

Kinuha ko rin ang susi ni Matt. Ninakaw ko ang magara nyang motor. Kailangan kong mapag-isa, ayokong makita nila akong malungkot o umiiyak.

MR. BILLIONAIRE'S QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon