Seven

7.5K 233 4
                                    


"Papa bakit kelangan pang humantong sa ganito,ok para matigil na ito..Papa Marlon..." at huminto sya sandali para sumagap ng hangin bago muling nagsalita.

"M-Marlon,totoo ang mga narinig mo kanina,pinagplanuhan namin ni Trisha ang lahat." Sabi ni Ericka habang dumadaloy ang mga luha sa kanyang pisngi." A-at tama si Papa, wala akong mapapala sa isang kagaya mo,dahil maaaring yaman lang ang habol mo! kaya makaka-alis ka na! Hindi na kita kailangan!! out get out of my life!! Sigaw ni Ericka.

Walang kasing-sakit ang naramdaman ni Marlon sa mga oras na 'yun,sa mismong bibig ng dalaga nya ito narinig ay para syang sinipa sa sikmura sa sakit,dagdag pa ang kahihiyan na inabot nya,walang salitang lumabas sa kanyang bibig kundi luha,luhang hindi nya iniaasahan sa buong buhay nya ngaun lang nya ito naranasan,walang lingon likod na iniwan nya ang mga ito.

"M-Marlon.? " ang tawag ni Ericka.

"Subukan mong habulin sya at yan na ang magiging huling tapak mo sa bahay na ito Ericka." ang sabi ng Don sa nakatalikod na si Ericka. "Ang pagmamahal kelan man ay hindi mo makakain kapag kumukulo na ang tyan sa gutom, kung ang isang kagaya nya ang gugustuhin mo ano na lang ang magiging buhay mo sa kanya, magbubungkal ka rin ng kamote sa lupa para may makain! Sya ba ang klase ng lalaking ihaharap mo sa'kin? " maigting na sabi ng Don at bawat katagang sinasabi nito ay parang kutsilyong humihiwa kay Marlon, na di pa nakakalayo at rining na rinig nyang sinasabi ng Don. Tumakbo syang palayo kaya hindi na nya narinig ang isinagot ni Ericka sa ama.

"Mas mabuti pa nga ang magbungkal ng lupa at maging mahirap atleast masaya, kesa dito puro ginto nga para naman kaming robot na de susi na nasa sayo lahat ang desisyon kahit pa pagod na kami kakasunod! " balik nyang sigaw sa ama.

"Pak! Talapindas! " sigaw ng ama pagkatapos ng sampal nito sa kanya.At akma pa sana itong sasampalin ng pigilan sya ng isang panauhin.

"Gustavo tama na! "Ang sigaw ni Congressman Villa.

" sorry tito, tita the party is over! I hope that your happy papa,! " sabi nya sa mag-asawang Villa at tumatakbo syang umakyat sa kanyang kwarto.

Kinabukasan sa bahay nila Marlon ay walang gustong magbukas ng usapin,tahimik silang kumain mag-anak,si aling Trining ay halos di malunok ang pagkain sa habag na nararamdaman para sa anak.

"Anak, andito si nanay ha,pede mo naman sabihin sa'kin ang nararamdaman mo wag mong kimkimin p-para gumaan ang pakiramdam mo." ang sabi ng kanyang ina.

Nanatiling nakatungo si Marlon, ayaw nyang magsalita kahit ano at higit sa lahat ay wala ng luhang dapat lumabas sa kanyang mga mata at pipilitin nyang wag ng lumuha pa.Maging ang ama ni Marlon ay habag na habag sa sinapit ng anak,at ang galit ay namuo sa dibdib para kay Don Gustavo.

"una na po ako inay, Itay. " paalam nya sa magulang at pumasok na sa kwarto nya bitbit ang gitara ay pumunta sya sa likod bahay sa may duyan,nag umpisa syang tumipa ng awiting.

" Stay" #Cueshe

I believe
We shouldn't let the moment pass us by
Life's too short
We shouldn't wait for the water to run dry

Think about it
Cause we only have one shot at destiny
All I'm asking
Could it possibly be you and me?

So if you'd still go, I'll understand
Would you give me something just to hold on to?
And if you'll stay, I'll hold your hand
Cause I'm truly, madly, crazily in love with you

Time has come
For us to go our separate ways
God forbid
But my mind is going crazy today

I feel so cold
Feel so numb
I'm having nightmares but I'm awake
Help me lord
Fight this loneliness
Take this pain away

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon