11

7.4K 267 7
                                    


Mahigit dalawang linggo na ang nakakalipas mula ng tumira sila Marlon sa Mansion ng mga Falcon, at sa bawat araw na lumilipas ay walang ginawa ang binata kundi ang ipahiya at pahirapan ang mag-amang Falcon, at sa bawat pagsubok na dumarating kay Ericka ay matatag nya itong hinaharap, hindi sya nagpakawala kahit isang butil ng luha lalo na at kaharap ang binata at kasintahan nitong si Chelsie na ginagawa din impyerno ang buhay nya.

Hanggang isang araw ng linggo ay umalis si Ericka para sumimba,tulog pa si Marlon ng sya ay umalis kaya sa ina ng binata sya nagpaalam, sa simbahan kung saan nakikinig si Ericka sa homily ay di maiwasan mapaiyak ang dalaga, sa mga nangyari sa kanilang buhay at lalong nagpasakit ng kanyang kalooban ang binatang kanyang minamahal ang nagpapahirap sa kanya, gusto na nyang sumuko pero paano ang ama nya, " Diyos ko po bigyan mo pa po ako ng lakas ng loob,tulungan mo po akong maging matatag pa walang-wala na po ako ikaw na lang ang meron ako at si papa." Ang lumuluhang dasal ni Ericka. Matapos ang misa ay agad nyang tinahak ang daan pauwi sa kanila,kung dati ay nakakotse sya hindi nahihirapan maglakad o mabilad sa arawan pero ngaun senaryo na sa kanya ang paglalakad sa araw-araw.Malapit na sya sa gate ng Mansion ng isang puting pajero ang huminto sa tapat nya at bumaba ang isang lalaking di nya makilala.

"Ericka Mae Falcon, how are you? " ang bati nito sa dalagang nakakunot noo. "Don't tell me nalimutan mo na ako? Hey, Mark Marzan, remember?

" ufff, haha sorry hindi kita nakilala, you change a lot eh, gumawapo ka ah! " nakangiting sabi ni Ericka,sabay tapik sa balikat nito.

" haha bolera ka pala, ikaw nga lalo kang gumanda, so ano ng balita sayo? Are you married? Kid's? " sunod-sunod nitong tanong.

" do I look married woman? I'm still single and free like a bird, halika sa loob, for sure magugulat ka sa makikita mo? " aya nya sa binata sabay hila dito.

At mula naman sa balcony ng kwarto ni Marlon ay kitang-kita nya ang dalawa halos magdikit ang kanyang mga kilay sa masayang tawanan ng mga ito, at naikuyom nya ang mga kamao lalo ng hawakan ni Ericka sa kamay ang kaibigan. Nagmamadaling nagpalit si Marlon ng damit at lumabas ng kanyang kwarto para lapitan ang dalawa. Nakasimangot syang lumapit sa dalawa.

" aga mo naman manligaw pre, may lahi kang intsik? "Seryosong sabi ni Marlon.

" o pre, bakit ka narito ha ikaw ata ang intsik eh, don't tell me di ka pa lang kasal ay kinakaliwa mo na si Chelsie? " birong sabi ni Marlon.

" hindi ako manloloko kagaya ng iba dyan, at lalong hindi ako intsik dahil nandito ang kasintahan ko at nandito ako dahil ako na ang may-ari ng lupang kinatatayuan nyo."seryosong sagot ni Marlon na nakatingin kay Ericka na nakatungo."and she's one of my servant now, tama ba ako Ericka.

Napamaang si Mark sa narinig sa kaibigan, tinotoo ba nito ang mga sinabi nito na kukunin nya ang lahat sa mga Falcon, naiiling sya sa kaibigan at napalingon sya kay Ericka na nakatungo,nilapitan nya ito at masuyong hinawakan ang kamay.

"Ericka, ok ka lang, I'm sorry hindi ko alam." Sinserong sabi nito.

"It's ok Mark, ganun talaga ang buhay, masaya naman ako sa kung anong meron na lang ako, unlike somebody,mayaman nga puro galit naman ang nasa puso, walang alam gawin kundi ang maghiganti, na kung tutuusin yung sakit na nararamdaman nya ay walang-wala pa sa sakit na dinanas ko,10years ago! At sana once na malaman nya ang side ko may pagmamahal pa sanang natitira sa puso ko para sa kanya, at ng mapatawad ko sya dahil baka bago dumating ang oras na yun, pagod na akong mahalin sya." Mahabang sagot ni Ericka na nakatingin kay Marlon na nag gagalawan ang mga panga dahil sa sinabi ng dalaga,nagsukatan sila ng tingin.

"Ehem! " agaw pansin ni Mark sa dalawa. " Ericka, salamat sa pakikipagkwentuhan, balik na lang ako next time, here's my calling card, call me if you need a friend at labas naman tayo minsan." Nakangiting sabi nya sa dalaga na ikinatango ng huli at tinanggap ang calling card.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon