Dahan-dahan hinila ni Ericka ang papel sa loob ng brown envelope. Na sya naman bukas ng pinto ng kanilang kwarto at pumasok si Marlon."Ericka! Give me that envelope, and don't you ever try to touch or open it again! " mariin nitong wika sa dalagang natigilan sa inasal nito.
"I'm sorry." Tanging nabigkas ni Ericka at may pagmamadali na lumabas bago pa bumagsak ang kanyang luha.
Para naman binuhusan ng malamig na tubig si Marlon sa nangyari, alam nyang nasaktan nya ang kalooban nito na hindi dapat. At napasuntok sya sa pader.
"Hindi ko na alam ang gagawin ko!" Sabi nya habang sabunot ang sariling buhok.
Nasa ganun tagpo sya ng pumasok ang kanyang ina ng marinig nito ang kanyang panaghoy.
"Anak, may problema ka ba?
" inay, hindi ko na alam ang gagawin, hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Ericka ang buong katotohanan."umiiyak na wika ni Marlon sa inang naguguluhan.
"Anong katotohanan anak? Dalawang linggo na lang kasal nyo na, wag mong sabihin ngaun ka pa magdadalawang isip Marlon?"may halong inis na tanong ng kanyang ina.
Natigilan si Marlon, tama ba na ngaun nya sabihin sa ina ang kalagayan ni Ericka.
" Nay, hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sayo."naluluhang wika ni Marlon sa ina."inay may sakit si Ericka, at malala na ito, Nay gulong-gulo na isipan ko Nay, sabi ng Doctor kambal anak namin pero ang kakambal nito ay ang sakit ni Ericka."sabi ni Marlon at tuluyan na itong umiyak,at maging ang ina ni Marlon ay napahagulgol.
"Anak, ano ba ang sakit ni Ericka, wala naman akong nakikitang sintomas ng may sakit sya dahil malusog sya.?
" inay cancer sa ovary inay, at ang sabi ng Doctor,50/50 ang chance na makasurvive ang bata, at si Ericka pwede kong ipagamot marami ng technology ang makakatulong sa sakit ni Ericka. "Ang patuloy ni Marlon.
" anong ibig mong sabihin anak? "Tanong ng kanyang ina. Huminga muna ng malalim si Marlon bago nagsalita.
" inay I choose Ericka over my own child." Sabi ni Marlon na ikinaiyak ng kanyang ina. "Kaya habang hindi pa nya alam Nay, dadalhin ko sya sa America pagkatapos ng operasyon. Napakasakit Nay, isipin pa lang ang desisyon ko,halos para ko na rin kinitil ng sarili kong palad ang aking anak,pero ano ang gagawin ko Nay, mahal ko sila ayaw ko man na may mawala isa sa kanila ay hindi ko matutulan,kaya pumili na ako inay." Ang umiiyak na sabi ni Marlon sa ina.
"Marlon anak, higit sa lahat may karapatan si Ericka malaman ang totoo, anak, ina sya kaya kung masakit sayo, mas masakit sa kanya." Ang payo nito sa anak.
Marahang tumango si Marlon pero buo na ang kanyang desisyon, alam nyang hindi papayag si Ericka kaya nga minadali na nya ang kanilang kasal. Bumaba na si Marlon para hanapin ang dalaga. Natagpuan nya ito sa likod bahay, tahimik na nakatanaw sa kawalan. Marahan syang lumapit dito at hinawakan ang balikat at payakap na kinabig ito para isandig ang ulo sa kanyang dibdib.
"Babe, I'm so sorry, I didn't meant to raise my voice on you, I'm just tired to my work and I have too much things in my mind." Sabi ni Marlon na mahinahon.
Hindi sumagot Ericka bagkus, mahihinang impit ng pag-iyak ang narinig ni Marlon kaya lalong na-guilty ang binata.
"Baby, paglabas mo ha ipagtatanggol mo ako sa Daddy mo na napaka-moody." Tila batang sumbong ni Ericka sa batang nasa sinapupunan.
Napabuntong hininga si Marlon sa narinig,kung alam mo lang kung gaano ko kagustong makita at makalaro ang ating anak." sabi ni Marlon sa sarili.
"Babe, I want you to know that I love you so much, lahat ng gagawin at ginagawa ko ay para sainyo." Bulong ni Marlon sa dalaga at masuyong halik ang itinugon ni Ericka dito.
BINABASA MO ANG
(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig Mo
Romance"Tandaan mo kaya ko ng tumbasan ng salapi ang pag-ibig mo!!" Mariin at puno ng suklam sa sabi ni Marlon Buenavista.