Eight

7.6K 234 5
                                    

Hindi nakaligtas ang batang dinadala ni Ericka, masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya at higit na naapektuhan ang kanyang tatlong bwan na tyan.

Halos madurog ang puso ng mga taong nakakarinig sa kanyang pagtangis.

"Yaya, sya na lang ang meron ako, bakit kinuha pa nya." Humahagulgol na iyak ni Ericka sa dibdib ng kanyang yaya o alin Lerma.

" iha, may dahilan ang lahat, baka hindi pa talaga sya para sayo." Ang sagot nito habang yakap sya ng mahigpit at kapwa sila umiiyak, awang-awa sya sa dalaga, dahil sa malupit nitong ama ay sobra ang paghihirap nito.

Ng dahil sa nangyari ay halos araw-araw nagluluksa si Ericka, umuwi ng Pilipinas ang ama na hindi nya ito kinakausap.

Napabuntong hininga sya sa aalalang iyun.

"Hija, halika ka ng mag-almusal." Ang tawag ng Yayâ nya.Tumango sya dito at humakbang papalapit. Bigla syang nakaramdam ng gutom sa pagkaing nakahain.

Samantala sa bansang kinaroroonan ni Marlon, ay kakikitaan sya ng angkin sipag ta husay sa trabaho, kaya hindi na nagtaka pa ang ilang katrabaho ng sya ay ma-promote,kung dati isa sya sa mga tauhan ngaun ay sya naman ang humahawak ng mga tauhan.

Habang nakatingin sa kawalan si Marlon ay gimambala sya ng sunod-sunod na katok.

" Come in! " ang kanyang sabi.

" Sir pwede ka bang maabala? Ang birong bati ni Mark.

" Gago, anong atin napasyal ka? Tanong nya dito sabay tayo at gumawa ng kape sa espresso machine at iniabot ito sa kaibigan.

" wala naman, tol uwi kasi akong Pilipinas by next month, magbakasyon ka naman. " ang sabi ni Mark." Wala ka bang balak umuwi?

Saglit na napaisip si Marlon at bumuntong hininga atsaka nagsalita.

" meron naman akong plano tol, pero di palang sa ngaun, may gusto pa akong marating. " seryosong sagot nito.

" tol, sa 5 years mo dito ibang-iba ka na sa simpleng Marlon noon at sa Marlon ngaun, hindi ka pa ba kontento na ilang lupain na ng mga Falcon ang lihim mong nabili." Kunot noong sabi ni Mark sa kaibigan.

"Kulang pa yun sa sakit na naranasan ko sa, ang gusto ko ay makuha ang lahat ng meron sila, at ito na ang pagkakataon ko Mark, dahil paubos na ang karangyaan ng matandang Falcon na yan! " galit n wika ni Marlon.

Walang imik si Mark sa tinuran ng kaibigan, kilala nya ito kapag ginusto nito ay gagawin nito.Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila.At ng mag-paalam si Mark at napag-isang muli si Marlon ay biglang bumalik sa kanyang alaala ang kahapon, sa kubo kung saan isinuko ni Ericka ang lahat sa kanya at mapait syang napangiti.

" sinayang mo ang pagmamahal na iniukol ko sayo Ericka! Wag na sana tayong magkita pa dahil hindi kita mapapatawad! " galit na sabi ni Marlon at tumayo na ito palabas ng kanyang opisina.Sa elevator kung saan patungo sya sa parking ay nakasabay nya ang nag-iisang anak ng kumpanyang kanyang pinagtatrabahuhan,hindi kaila na malaki ang pagkagusto nito sa kanya, simple lang dalaga hindi kagaya ng ibang mayayaman na ipinangangalandakan ang yaman na meron sila maging ang magulang nito ay simple lang din, kung panlabas namang kaanyuan ang titingnan ay maganda at sexy din ito,pero iba pa rin si Ericka. Naipilig ni Marlon ang ulo ng biglang pumasok sa isip si Ericka.

" Hi, Mar, are you going home? Tanong ni Chelsie Smith,anak at nag-iisang taga pagmana ng Smith's Machine and Building Design, at ng iba pang sangay nito sa halos 10 bansa,fil-am, ang ina nito ay isang teacher sa Dubai na nakap-asawa ng dayuhang Canadian na sobra ng yaman.

" yah, and you? " balik tanong ni Marlon.

" nope, I'm going to have snacks with my friends at the Marina Mall, wanna join us? " nakangiti nitong yàyà sa kanya.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon