12

7.7K 262 5
                                    

"Inay kinakampihan mo sya di mo ba alam kung paano nila ako ipinahiya, sampung taon ang nakakaraan, kung paano nya ako pinaglaruan,kung paano nya ako pinasakay sa kasinungalingan nya! " malakas na sabi ni Marlon na nakatingin kay Ericka na nakatungo.

"Anak nakaraan na yun, matuto kang, magpatawad, tao lang tayong nagkakamali, alam mo ba na ako ang nahihirapan sa nangyayari sayo, puro na lang galit ang namamahay dyan sa puso mo." Ang sabi, ng kanyang ina na hindi maitago ang kalungkutan sa tono nito.

" Nay Trining, pasensya na po kayo sa nangyayari, totoo po ang sinabi ni Marlon, kasalan ko po, bata pa po ako noon,pero ginawa ko yun dahil may dahilan, at kung ano man po iyon akin na lang po,sige po magtrabaho na po ako." Sabi ni Ericka sabay talikod.

Naiwan si Marlon na naguguluhan sa sinabi ni Ericka maging si Aleng Trining ay naguguluhan rin.

Dumiretso sa kusina si Ericka at uminom ng isang basong tubig, matapos nyang ikalma ang sarili ay agad syang kumuha ng mga panlinis, at tinungo nya ang swimming pool at inumpisahan nya itong linisan. Halos nangangalahati na sya sa paglilinis ng dumating si Chelsie,minadali nya ang paglilinis dahil nasa hitsura nito na maliligo ito.

" is that really clean? I don't want to have a rushes. " tanong nito sa kanya na nakataas ang mga kilay.

" yah, its clean, don't worry ang virus kung talagang kakapit sayo ay kakapit." Nakangiting sagot ni Ericka.

"And what do you mean by that? " inis na tanong ni Chelsie.

" I don't mean anything,my meaning ba sayo ang sinabi ko."tanong ni Ericka.

"You know what Ericka, why don't you just leave the house, leave Marlon's life, why don't you accept the fact that your nothing now, no wealth, not even Marlon, I know what you had both, what else you want to prove ha! Your nothing now, as in nothing! " gigil sabi nito kay Ericka.

"Yes, tama ka wala na akong kayamanan ngaun, wala na ng k glng ahit ano, pero alam mo ang meron ako at kahit kelan ay hindi mawawala, yun ay respesto sa sarili, eh ikaw meron ka ba nun? " ang tanong nya dito, hindi nakahuma si Chelsie sa tinuran ni Ericka, kaya iniwan na nya nito.

" hayss, ang dami ng problema pakisabay ka pa na babae ka! "Inis nyang sabi habang naglalakad. " kelangan ko ng magtrabaho, dahil di ko mababawi ang Mansion kung andito lang ako.

Pumasok si Ericka sa kwarto kung saan tumutuloy si Marlon, abot-abot ang kanyang kaba, na sana ay wala ang binata sa loob. Napasimangot sya sa nabungaran ang kalat ng kwarto nito ay daig mo pang binagyo, agad nyang inumpisahan ang paglilinis ng gamit nito.

" ang yabang-yabang tapos ganito naman ang kwarto napakaburara! " salita ni Ericka.

Matapos nyang pulutin at maayos ang lahat ng kalat ay pinalitan din nya ang kurtina ng kwarto nito nasa taas sya ng hagdan at inaayos nya ang kurtina ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Marlon.

" di ka pa tapos dyan? "Biglang tanong ni Marlon, dahilan para nagulat sya at mapasigaw kasabay ng tili at pikit mata syang naghintay ng pag-landing nya sa sahig naramdaman nya ang hapdi sa hita ng gumagasgas ito sa sirang baytang ng hagdan. Ngunit bago pa man sya lumagapak ay mabilis na nakalapit si Marlon at nasalo sya.

Ericka, close her eyes tight, naramdaman nya ang mga braso ng binata, that make her feel safe and warm,ngunit napangiti sya sa hapding nararamdaman sa kaliwang hita.

" ouch! " ang bulong ni Ericka, matapos syang ibaba ni Marlon sa kama nito.

Taas baba ang dibdib ni Marlon, natakot sya kanina dahil sa taas ng hagdan at kung nahulog ang dalaga siguradong mababalian ito. Titig na titig sya sa dalagang nakapikit, bakit ganun ang kanyang pakiramdam the more that he's pushing her away, the more that he wants her, mababakas ang pag-aalala sa mukha ni Marlon ng marinig nya ang mahinang daing ni Ericka.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon