23

8.8K 255 5
                                    


"Tita Chona? Ano po ang ginagawa mo dito?" Ang tanong ni Marlon na agad nilapitan ang Ginang. Ito ang pangalawa nilang paghaharapin ng ginang kaya abot-abot ang kaba niya sa dibdib.

" Marlon, hijo nagpunta ako dito para, hindi para manggulo gusto ko lang kayong makausap para sa ikatatahimik ng lahat."sagot ng ginang na bumaling kay Ericka.

"You must be Ericka?

" O-opo ako nga po, maupo po kayo. "Ang paanyaya ni Ericka.

" hindi naman ako masyadong magtatagal, ina ako ni Chelsie. "Ang sabi nito kay Ericka at hinawakan ang kanyang mga kamay at nangatal ang boses sa pagbanggit sa pangalan ni Chelsie.

" 4years ago, akala namin maayos na ang lahat, bumalik si Chelsie sa bansang Dubai na malaki na ang tyan, ang ipinagtaka lang namin bumalik syang nag-iisa, hindi kami nagtanong sa kanya bagkus dinamayan namin sya hanggang isilang nya ang isang napakalusog na sanggol na babae pinangalan nyang Maria Kristina Marzan, nagtaka ako bakit Marzan, pero gaya parin ng dati hindi kami nagtanong gusto namin sya ang magsabi ng lahat, lumilipas ang araw at bwan,.lumaking kamukha ni Chelsie si Kristina, matalino at higit sa lahat napakalambing na bata, mahal na mahal ni Chelsie ang kanyang anak, hindi sya kumuha ng katulong inaasikaso nya ang bata ng mag-isa,kahit lamok ay hindi ito madapuan,hanggang sa dumating ang isang araw...

"Mama, bakit nga ba wala po akong papa?" Ang tanong ng apat na taong si Kristina sa inang napaiyak.

"Baby, aren't you happy with mama only?

" yes I am mama, but I wondering why I don't have one."ang malungkot nitong tanong sa ina.

"Don't worry baby, darating din si papa mo sa tamang panahon, sa ngaun wag mo munang isipin yun dahil kapag dumating ang time na yun, you'll be the happiest daughter in the whole wide world." Ang alo nya sa anak na napahiniluhod naman sa tinuran ng ina.

Naging maayos ang buhay ng mag-ina,masaya at puno ng pagmamahalan saksi kami sa mga paghihirap ni Chelsie sa anak. Ng pamahalaan ni Chelsie ang isa sa aming Kompanya ay saka naman sya kumuha ng pag-aalaga sa bata.

Isang araw paalis sana si Chelsie para sa sa meeting sa bansang Canada ng nakatanggap sya ng tawag mula sa school ng anak, na hinimatay daw ito habang naglalaro. Iyak ng iyak nun si Chelsie. At halos paliparin ang kotse patungong school.

"Teacher, what happened to my daughter?" Ang halos pasigaw nyang tanong sa guro at tinabig ito para makapasok sya sa clinic ng school.

"Baby, mama is here, anong nararamdaman mo anak." Ang umiiyak na tanong ni Chelsie habang paluhod na nakayakap sa anak.

"Mama, I'm fine, napagod lang po siguro ako sa pagtakbo kaya nahirapan akong huminga, sumakit dito oh." Sagot nito sa kasabay ng pagturo sa dibdib nito sa tapat ng puso.

"I'm so worried to you, I love you so much anak."

"I love you too mama, wag ka ng umiyak. Teacher take care of me naman eh."

Matapos magpasalamat at masiguradong maayos na ang pakiramdam ng bata ay iniuwi na ito ni Chelsie, at kailanman ay hindi na nito ito iniwan, nagpagawa na ito ng sariling opisina sa sarili nitong bahay.

Matulin pang lumipas ang bwan at kapuna-puna ang paghulog ng katawan ng batang si Kristina na napansin ng Yayâ nito at agad kinausap si Chelsie.

"Tok! Tok!!

" come in!"

"Ate Chelsie, pasensya na sa abala pwede ba kitang makausap?"

"Lenie ha, pinapakaba mo ako, don't tell me magpapaalam ka ng umuwi ha, hindi kita papayagan!" Birong sabi ni Chelsie.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon