Ten

8K 258 7
                                    

Mula ng malaman ni Marlon ang tunay nyang pagkatao, ay mas pinili nyang manatiling sa piling ng kinagisnang ina, sa sampung taon nyang pagtatarabaho sa bansang Dubai ay sapat na para makaipon sya at sapat na para mabuhay sila ng marangya, sa bawat araw na dumaraan ay lalong sumisidhi ang nararamdaman nyang paghihiganti sa mag-amang Ericka at Don Gustavo kaya ng malaman nyang nakasanla ang bahay at lupa ng mga ito ay agad nya itong kinuha, halos masimot nya ang laman ng savings nya.

Lalong nadadagdagan ang galit ni Marlon sa tuwing naaalala ang sinapit ng kanyang ama, sa malupit na Don, ng minsang sumama ito sa pagra-rally ng mga tauhan nito sa bukid. Dahil sa kalupitan ng Don ay inutusan nya ang mga tauhan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng mga baril at ng magkaroon na pagtatalo at pinaulanan nila ng bala ang mga tao at sa kasamaang palad ay tinamaan ang ama ni Marlon sanhi ng kamatayan nito.
Dahil sa galit na nararamdaman ay gusto nyang maghiganti ipalasap sa mga ito ang sakit na nararamdaman nya.

"Inay, handa ka na ba? " ang tanong ni Marlon sa ina. " aalis na po tayo mamaya, pagdating ni Attorney.

"Anak, tama ba itong ginagawa mo? " balik tanong ng ina ni Marlon.

"Inay, matagal ko itong pinaghandisip." Tanging naisagot ni Marlon sa ina.

Matapos ang pag iimpake ng ilang gamit ay umalis na ang mag ina,walang imik si Aleng Trining hindi nya alam kung ano ba talaga ang pakay ng anak.
Pagdating sa mansion, nagulat halos lahat ng mga tao na kanilang dinatnan, lalo na si Don Gustavo, nahirapan man magsalita ang Don ay pinilit nyang makalapit kay Marlon, pilit nyang iniaabot ang kamay nito ngunit nilampasan lang sya ng binata, ni tingin ay hindi tiningnan.

"Nasan si Ericka? Ganito ba nyang i-welcome ang bagong may-ari ng mansion na ito.!" Ang malakas na tanong ni Marlon.."mula ngaun araw na ito ay pagsisilbihan nyo ang aking ina, at si Ericka sya ang magluluto, naglalaba ng aking mga damit sya ang personal na mag aasikaso sa lahat ng pangangailangan ko!

Walang imik ang dalawang katulong, at maging si Don Gustavo ay hindi makapaniwala sa narinig maraming katanungan sa isip. At mula sa hagdan ay pupungas-pungas si Ericka, naalimpungtan sya sa lakas ng boses ng isang lalaki.

" Ana, sino ba yung taong ang lakas ng boses daig mo pang bingi ang mga kausap kung magsalita! " inis na sabi ni Ericka.

" o gising ka na pala." Ang mapanuyang tingin na sabi ni Marlon.

"Anong kailangan mo at bakit ka naririto? Pwede ba ngaun ang dating ng bagong may-ari ng bahay na ito kaya wag kang gumawa ng eksena dito." Mataray na sabi ni Ericka,Na ikinangisi ni Marlon.

" hmm ganyan ka ba kung humarap sa bisita, sabagay ano pa nga ba ang nakakapagtaka sa ugaling meron ka, ay iisa ang dugong nanalaytay sainyo ni Gustavo! " madiing bigkas ni Marlon.

"Wala kang karapatan bastusin ang ama ko, sino ka ba sa akala mo? " ang gigil na sagot ni Ericka.

"Nasabi ko na kanina ang dapat kong sabihin, pero mapilit ka, Attorney." Ang tawag ni Marlon. " pakipaliwanag nga ho Kay Ericka kung ano at sino ako sa mansion na ito, at kayo na rin ang magsabi kung ano ang mga dapat nyang gawin mula sa araw na ito." Ang sabi ni Marlon.

"Ericka, iha si Mr.Buenavista ang tumubos ng bahay at lupa nyo sa banko, kaya mula sa araw na ito sya na ang bagong may-ari, at ikaw ang magiging personal nyang alalay, ikaw ang mag-aasikaso ng lahat ng gamit nya." Ang mahabang paliwanag nito sa dalagang nakanganga.

Ericka, is shocked. Nakatingin sya sa binatang nakatitig din sa kanya.

"I know that you have a plan,at kung ano man ang plano mo malugod ko itong tatanggapin para makabayad kami sayo." Ang matatag na sabi ni Ericka.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon