Nagniningning ang mga mata ni Marlon sa nabasa.
"I have a twin's! " ang masaya niyang sabi na napasuntok sa hangin. "Bull's eye! " wika pa nya.
Ngunit ganun na lang ang pangingilabot nya sa binabasang papel, pakiramdam ni Marlon ng mga sandaling iyon ay pasan nya ang buong daigdig, na binagsakan sya ng libo-libong bato ang sakit na nararamdaman nya ay triple sa sakit ng nakaraan o mas malala pa, gusto nyang suntukin ang kaharap na Doctor dahil baka nagkakamali lang ito ng suri sa dalaga..
"Alam ko ang iniisip mo, na maaaring nagkakamali ako, pero dalawang beses kong ginawa ang mga test sa kanya ngunit iisa ang resulta, Mr. Buenavista." Ang maagap na paliwanag ni Doctor Maggie Sou.
" ano pa ang ibang paraan,na pwede gawain kahit magkano magbabayad ako." Malungkot na tanong ni Marlon na nangingilid ang luha.
" miracle is only our hope, Mr. Buenavista, stage 4 na ang kanyang ovary cancer, maaaring hindi nya ito napapansin dahil wala syang idea sa nangyayari sa kanya, pero kung madalas syang makaramdam ng pananakit ng ng tyan ay isa yun sa sintomas." Paliwanag nito kay Marlon. " I can't give her any medicine, dahil sa nagdadalantao sya, at ang nakikita mong kakambal ay ang cancer,you have to decide Mr. Buenavista, your wife or your child?
Hindi na napigilan ni Marlon ang umiyak na nauwi sa hagulgol. Ano ba itong pagsubok na ito, hindi na ba matatapos ang paghihirap ng kalooban ko. Mahal na mahal nya si Ericka at ganun din ang anak, ayaw e mawala ang mga ito sa kanila dahil ikababaliw nya. Hindi na nya alam kung paano pa sya nakalabas sa kwarto ni Doctor Sou.
Ng magmulat si Ericka ng mga mata ay napakunot noo sya dahil wala sya sa kwarto nila ni Marlon at ng igala nya ang paningin ay napag-alaman nyang nasa hospital sya base sa itsura ng kapaligiran. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay bumukas ang pinto at iniluwa noon ang kanyang si Marlon.
"Hi, Babe what happened? "Masuyong tanong ni Ericka sa binatang nanunuot hanggang nito nya ang titig, titig na hindi nya mahulaan ang ibig ipahiwatig.
Lumapit si Marlon, sa dalaga at niyakap ito ng buong na akala mo ay mawawala sa kanya, nagtataka man ay ginantihan ni Ericka ng yakap si Marlon.
" Babe, I can't breath." Sabi ni Ericka.
"Sorry Babe, I'm just very happy." Pilit ang ngiting sabi ni Marlon ngunit hindi maitago ang pangingilid ng luha." Your pregnant, Babe. Tatay na ulit ako." At bumagsak na ang luhang kanina pa nito pinipigilan.
Maging si Ericka ay naiiyak sa sobrang ligaya, sa pangalawang pagkakataon ay dinadala nya ang bunga ng pagmamahalan nila ni Marlon at hinaplos nya ang di pa maumbok na tyan.
"Babe, I love you so much." Sabi ni Marlon sa dalaga.
"And I love you more Babe." Sagot ni Ericka dito at kinintalan nya ng mabilis na halik sa labi ang binata.
Matapos bayaran ni Marlon ang bill sa hospital ay agad na umuwe ang dalawa, pagdating sa Mansion agad din na umalis si Marlon upang i-adjust ang date ng kanilang kasal ni Ericka. He wants it early as soon as possible. Dadalhin nya ito sa ibang bansa, hindi para ipasuri kundi para maalagan nya ito ng maayos, ayaw na nyang marinig pa ang kung ano man masasakit na dahilan ng pagkakaroon nito ng Cancer, at kung kinakailangan din na ilihim nya ito sa dalaga ay gagawin nya.
"Ahhhhh!! Bakit, bakit ngaun pa kung kailan masaya na kami? " ang sigaw ni Marlon ng ihinto ang sasakyan. Parang echo na paulit-ulit sa kanyang pandinig ang sinabi ng Doctor nito.
" she only have one year to be with you, Mr. Buenavista, make all the best time for her, don't make her stress that will cause a depression of her. Make her the happiest woman until her last breath. And you know your choices, think very carefully.
BINABASA MO ANG
(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig Mo
Romance"Tandaan mo kaya ko ng tumbasan ng salapi ang pag-ibig mo!!" Mariin at puno ng suklam sa sabi ni Marlon Buenavista.