Maaga pa lang ay pawisan na ang binatang si Marlon,tumutulong muna sya sa gawain bahay sa kanyang ina bago pumasok sa Unibersidad kung saan sya nag aaral ng kolehiyo.
"Magandang umaga anak,bakit hindi ka pa magbibihis mahuhuli ka na sa pagsusulit mo? Bating tanong ng ina ni Marlon.
" inay,mas maganda ka pa umaga,"at inakbayan niya ito papunta sa kanilang munting kusina."Nay ang gwapo at matalino mo pong anak ay exempted sa 4 n subject kaya mamaya pa po ako papasok ala una ng hapon."buong pagmamalaki nyang sabi sa ina.
"Aysus kaaga-aga ay pinagsasabi mo agad anak,ay alam mo naman manang mana ka sa'kin! Biglang sagot ng kanyang ama na nasa likuran nilang mag ina.
" Naku Magtigil ka nga Tonyo,pati anak mo ay dinadamay mo sa kabulastugan mo!!
"Tingnan mo naman itong nanay mo anak,kung di nya ako pinikot malabong nagkaroon sya ng anak na gwapo matalino at asawang simaptiko na kagaya ko di ba anak! Sabay kindat nito kay Marlon,at tumakbo palabas ng bahay dahil hinabol ito ng walis ng kanyang ina.
Tawa ng tawa si Marlon sa kakulitan ng kanyang magulang, ano pa ba ang mahihiling nya,salat man sila sa kayaman puno naman sila ng pagmamahalan ay labis labis pa sa pera nanaisin ng sinuman.
" anak kami ay lalakad na ha,mag ingat sa pagpasok ha anak,eto pagkasyahin mo na ito pagpasensyahan mo na kami ng nanay mo yan lang nakayanan namin".malumanay na sabi ng ng ama nya sabay abot ng 50pesos na baon.
"Tay wag na itabi nyo na ito at baka mamaya dumaan yung magweweteng wala kang panaya,may pera pa naman po ako natatabi." Tanggi ni Marlon pero Umiling ang ama.
"Tonyo,tara na at iinitin tayo sa paglalakad may labada pa ako sa mansyon ni Don Gustavo." Yayâ ng ina ni Marlon.
"Nay wag na kayong maglabada sa matapobreng matanda na yun,hirap na kayo sa sakahan pati ba naman dun kayo pa." Saway ni Marlon sa ina.
"Naku anak,sayang din ang kikitain ko dun pandagdag din sa gastusin mo mahirap ang nagkokolehiyo."
"Sya sige na bago pa tayo magkdramahan dito,maiwan ka na namin anak,pahalik nga si nanay,binata na anak ko ay!! Mwah..
" sige po Nay Tay, Ingat po."baka po hapunin ako Nay may ilang Gawain po kasi ako tatapusin sa library.
Nakapasa si Marlon sa scholar na binigay ng Mayor ng kanilang bayan dahil sa angkin talino ay full scholar sya na kaya todo sikap syang i-maintain ang kanyang mga marka,sa edad na 19 ay nasa huling taon na sya ng kursong engineering,3bwan na lang at gagraduate na sya.
Nagpakahirap ng kurso nya pero napagtitiisan nya lalo pa at minsan kapos sya sa perang pambili ng project, kaya nag apply sya sa library ng unibersidad, bilang isang tagalinis (janitor).
Wala syang pakialam sa mga mapanuring titig ng kapwa estudyante dahil ang mahalaga makatapos sya at maiahon nya sa hirap ang mga magulang."Shit!!! Nabigkas ni Marlon ng Napatingin sa mumurahing relong pambisig." I'm late si terror Prof pa naman ang unang exam ko ngaung ala una.."at dali dali syang sumakay sa kanyang bisikleta at nagmamadaling binaybay ang daan papasok sa MCC (Mount Carmel College) (Baler,Aurora).
Dahil sa kanyang pagmamadali ay nabunggo nya ang isang estudyante na malapit na sa gate.
"Kapag minamalas ka nga naman.!! Patay ang Leon na babae pang ito ang nabunggo nya,ang best friend ni Ericka Mae Falcon.. Si Trisha Sanchez.
Agad nya itong nilapitan at tinulungan makatayo." Sorry Trisha di kita napansin nagmamadali kasi ako sorry talaga." Hinging paumanhin ni Marlon at tinulungan nya itong makatayo.
BINABASA MO ANG
(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig Mo
Romance"Tandaan mo kaya ko ng tumbasan ng salapi ang pag-ibig mo!!" Mariin at puno ng suklam sa sabi ni Marlon Buenavista.