14

8.1K 251 4
                                    

Parehong nakatulog si Ericka at Marlon matapos ang mainit na tagpong naganap sa kanila, si Marlon na nakayakap ng mahigpit sa bewang ng dalaga at si Ericka naman ay nakasiksik sa matipuno nitong dibdib.

Liwanag ng sikat ng araw ang nagpagising kay Ericka, iniunat nya ang mga kamay ng masagi nya ang katabing binata, at napangiti sya ng maalala ang namagitan sa kanila ng nagdaang gabi, dahan-dahan nyang hinaplos ang pisngi nito atsaka sya nagsalita.

  " sana pagmulat ng mata mo, wala ng galit dyan sa puso mo para sa'kin, dahil nasasaktan ako dahil ang pagmamahal ko sayo,ay lalong nadadagdagan sa mga taon na lumipas na di tayo magkasama ay di ka nawala sa isip at puso ko." Madamdaming wika ni Ericka. At muli nyang isiniksik ang katawan sa natutulog na binata at muling ipinikit ang mga mata,ngunit napabalikwas sya ng bangon ng maalala ang trabhong ibinigay ni John.

Dahan-dahan nyang iniangat ang braso ni Marlon na nakayakap sa kanya at ng maalis nya ito ay akmang baba na sya ng kama ng bigla syang hapitin pabalik ni Marlon sa higaan.

   " where do you think your going? " ang tanong ni Marlon.

  " ah, first day ko ngaun sa trabaho ko, I need to be there at 8am and  it's 7am now." Sagot nya sa binata.

   " kung di kita payagan, anong gagawin mo? "Muling tanong nito sa kanya.

  " but Marlon please, let me ok, paano ako nakakabayad sayo kung di ako magtrabho? Atsaka napakarami ko pang gastusin, wala na akong pang-suporta sa medication ni papa." Naluluha nyang sagot dito.

Tahimik na nakikinig at nakatingin si Marlon sa dalaga, atsaka bumuntong hininga.

  "Ok,but in one condition, ihahatid at susunduin kita, no but's ok! " sabi nya sa dalagang napasimangot.

   " ok deal! "sagot ni Ericka at agad na bumangon para isuot ang mga damit na nahubad, at si Marlon naman ay nagdiretso na sa banyo para maligo.

Saktong 7:30 ay lulan na ang dalawa ng sasakyan ni Marlon, sa daan ay tahimik sila, nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita, habang si Marlon ay pasulyap-sulyap sa dalagang seryosong nakatanaw sa labas ng bintana.

   " Ericka, Marlon! " ang panabay nilang bigkas.

  " ok, you first." Sabi ni Marlon.

  " no, you first, your the boss." Sagot ni Ericka.

  " ha-ha, ok after your work can we go out tonight? " tanong nya sa dalaga.

Napatingin si Ericka dito ng nagtataka. Paano ang kasintahan nito,at san naman sila pupunta? Is he asking for a date? " mga katanungan sa isip ni Ericka.

  " titingnan mo na lang ba ako?" ngiting sabi ni Marlon.

  "Ha,eh! Saan naman tayo pupunta at bakit ako ang inaaya mo bakit hindi yung girlfriend mong mukhang espasol." Sagot nyang naiinis.

Biglang naapakan ni Marlon ang break ng kotse ng biglang marinig ang salitang girlfriend, nawala na sa isip nya si Chelsie. Halos mauntog naman si Ericka sa lakas ng pagkakapreno ni Marlon.

  "God! Papatayin mo ba ako sa takot ha? Hoy Marlon, marami pa akong obligasyon sa buhay,kaya kung gusto mong nagpakamatay ikaw na lang!
"Mataray na sabi ni Ericka Kay Marlon.

   " I'm sorry, nabigla lang ako." At muli nitong pinaandar ang sasakyan. Ng maihatid nya si Ericka ay agad syang umuwi ng Mansion para kausapin si Chelsie.

  "Nay, nakita nyo po ba si Chelsie? " ang bungad ni Marlon sa ina ng makapasok sya sa loob ng Mansion.

   "Hindi anak, baka tulog pa." Sagot ng inang busy sa pag-ayos ng mga orchids nitong tanim.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon