22

8.7K 235 2
                                    

Mula sa pagakakatalikod ni Marlon ay napalingon sya sa tumawag sa kanya, at nakita nya ang labis na pag-aalala sa mukha ng ni Ericka lalong-lalo na si Mark.

"Mark pare."sabi ni Marlon na akmang lalapit ito sa binata ngunit.
Agad na sinugod si Marlon ni Mark at pinakawalan ng isang malakas na suntok na ikinasadsad ng binata sa sahig.

"Mark! Ano ba?" Sigaw ni Ericka na dinaluhan ang kasintahan at inalalayan makatayo.

"Alam Kong ikaw ang dahilan kung bakit narito ngaun si Chelsie sa hospital, wala kang utang na loob! Kung dahil sa kanila wala ka ngaun!" Sigaw ni Mark sa binata.

"Pweda ba Mark! Kung anong meron ako ay pinaghirapan ko ito, at huwag mo akong masyadong husgahan dahil hindi mo alam ang mga ginawa ni Chelsie!" Mariin na sagot ni Marlon kay Mark at hinila palabas ng hospital si Ericka..

3years later****

Simula ng umalis sila Ericka sa hospital ay wala na silang naging balita kila Chelsie at Mark.

Masaya syang nakamasid sa kanyang mag-aama na walang pagod na naghahabulan sa Bermuda Grass ng kanilang bahay na ipinagawa ni Marlon noon.

"Daddy!! It's my turn!" Tili ni Erah ang kanilang anak na babae.

"Nooo! Dad it's my turn!" Ang sigaw naman ni Erion ang kakambal ni Erah.

Habang nakatanaw sya sa mga ito ay sya naman ang lapit ng kanyang byenan.

"Anak wala pa ba kayong balak magpakasal ha? Baka mamaya ay may kasunod na ang kambal ay single parin kayo?" Tanong nito kay Ericka.

"Eh Nay, ayaw ko naman po na ako ang magpropose, akward naman po ata yun." Nakangiting sagot ni Ericka.

"Ay dyaskeng bata iyan at hindi pa ba nagpo-propose sayo!" Ang gulat na wika ng ginang.

Matulin pang lumipas ang mga araw at buwan eksaktong mag-lilimang taon ng kambal ay napagkasunduan nila Ericka at Marlon na magpa-party para sa mga bata sa Mansion ng mga Falcon.

Naging abala si Ericka at Marlon para sa nalalapit na kaarawan ng kambal. At yun din ang hinihintay ni Marlon na pagkakataon para magpropose sa ina ng kanyang mga anak.
Ngitngit naman ang kalooban ni Ericka dahil ilan taon na ang nakakaraan pero hindi pa sya ulit inaalok ni Marlon ng kasal. Kaya naman disperas ng gabi ng kaarawan ng mga anak ay, nakasimangot sya buong maghapon at pagdating ni Marlon ay sinabihan nya ito na dun ito matulog sa tabi ng kambal na ikinapagtataka ni Marlon.

"Babe, may regla ka ba? Sungit mo eh?" Tanong ni Marlon habang hinahaplos ang maumbok nyang puwitan.

"Pwede ba tantanan mo ako! Wala akong mood makipagkabayuhan sayo! Dyan ka na nga!" Inis na sabi ni Ericka kay Marlon.

Naiwang napatulala si Marlon sa tinuran ni Ericka, ngaun lang ito nagsalita ng ganun sa kanya. Sinundan nya ito sa kanilang kwarto ngunit nadismaya sya ng nakalock ito kaya mo choice sa tabi sya ng kambal natulog.

Kinaumagahan kahit masama ang loob ni Ericka sa ama ng kanyang mga anak ay,isinantabi nya muna ang nararamdaman. Ng mag umpisa ang party ay napuno ng mga bisita ang mansion, lahat ng bisita ay tuwang tuwa sa kadaldalan ng kambal. Ng sumapit ang paghati ng cake ay inagaw ni Marlon ang attention ng lahat pumunta ito sa unahan at nagsalita gamit ang microphone.

"May I have your attention please. Well marahil nagtataka kayo at andito ako sa unahan ngaun,ay mahalagang bagay lang akong sasabihin alam kong hindi lingid sainyo na dati lang ako trahabador dito sa Mansion na ito, baka isipin ng karamihan yaman lang ang habol ko, ang totoo nyan bata pa lang kami mahal ko na ang ina ng aking mga anak, sa daming pagsubok na dumating sa'min ay maaayos naman namin iyong nalampasan, pinaglayo kami ng isang dekada ngunit muling pinagtagpo para ituloy ang naputol namin na pagmamahalan na kailan man ay hindi nawala sa'kin puso, sa'min unang baby si Angel I love you anak kahit hindi ka namin nakita alam kong nasa mabuti kang lugar ngaun, at sa amin kambal, mahal na mahal namin kayo, happy birthday mga anak."Mahabang sabi ni Marlon habang si Ericka ay naiiyak na nakatingin dito. Nadismaya si Ericka dahil akala nya ay magpapropose na ang binata sa kanya ang luhang pinipigil ay kusang tumulo at pasimpleng pinunasan ng makitang nakatingin ay kanyang kambal. Lumuhod sya at pumantay sa dalawa at mahigpit na niyakap.

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon