"Inay napasugod po kayo ay ang lakas ng ulan kaya ko naman pong umuwi." ang tanong ni Marlon."Eh anak,may bagyo daw baka kasi abutin ka sa daan." nag-aalalang sagot nito."anak may kasama ka ba dito?
"Ah eh inay." Kakamot-kamot sa batok na sagot ni Marlon.
"Hello po Nay Trining." magiliw na sagot ni Ericka.
Napatingin ang ina ni Marlon sa kanya na nagtatanong ang mga mata.Na napansin naman ni Ericka.
"Nay hinahanap ko po kasi si Marlon para po sa last na session po ng tutorial nya sa'kin.
May nakapagsabi po sa'kin na andito po sya, saktong inabutan po ako ng ulan." Kabado ngunit kalmado na paliwanag ni Ericka."Ay sya kung ganun,habang mahina pa ang ulan eh,tayo ng umuwi at iha baka hinahanap ka na sa mansion." sagot naman ng ina ni Marlon.
"Sige po tara na po." At nagpatiuna na itong lumabas kasama ang ina ni Marlon, at si Marlon naman ay iginala ang paningin sa kabuuan ng kubo bago lumabas sa huling sulyap ay napansin nya ang bra ng dalaga na kulay pula,at muling sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi,ibinulsa nya ito at sumunod sa dalawa na masayang nagkwentuhan habang naglalakad.Muntik na sila dun,Mabuti na lang at nakapag bihis agad silang dalawa kundi tiyak na gulo ito.
Ng makarating sila sa bahay nila Marlon ay agad din umalis ang dalaga nagpasundo sya kay Trisha,gaya ng plano nila.
"So how is it?" ang tanong agad ng huli.
"Done,inakit ko na sya Trisha." sagot nya ditong mababakas ang kasiyahan sa mukha.
"Aba mukhang nag enjoy ka Ericka?" nakataas ang kilay na puna nito sa kaibigan.
"Yes I am,o paano thanks sa paghahatid." Bye.."at bumaba na sya ng kotse nito ng matanaw nya ang ama sa taas ng veranda nila,nakaramdam ng kaba si Ericka. Agad syang lumapit dito at magmamano sana ngunit isang malutong na sampal ang iginawad nito sa kanya."Papa!" ang nagulat na sabi ni Ericka hawak ang pisnging namumula dahil sa sampal ng ama.
"Walang modo! At ikaw pa talaga ang nagpunta sa bahay ng hampas-lupa na 'yun!" Ang galit na sigaw nito sa kanya. "Hindi kita dinala sa paaralan na yun para makipaglandian sa mahabang uri ng tao.
" Papa, pwede ba wala naman akong ginagawang masama para saktan mo ako!"ang sagot nya sa ama.
"At natuto ka ng sumagot,dahil sa hampas-lupa na yun! Putulin mo kung anong relasyon ang meron kayo,baka di mo magustuhan ang gagawin ko sa kanya o sa kanila!" ang banta ng kanyang ama.
"Wala kaming relasyon papa!
" tama lang,dahil kung puso ang paiiralin mo Ericka Mae! Sinasabi ko na ngaun palang hindi ko sya matatanggap,at wag mo akong bigyan ng rason ipadala kita sa Australia at hindi ka na kelan man makakatungtong ng Pilipinas!!
Umiiyak na naiwan si Ericka, akala nya sa ibang tao lang ganito maging sa kanya rin pala,tumakbo sya papasok sa kanyang kwarto at duon ay umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulugan nya ang pag-iyak.Malakas tapik sa balikat ang gumising sa kanya.
"Get up from your bed and fix yourself! " ang sigaw ng Don. "In half an hour Congressman Fausto Villa will be here with his unico hijo. I want you to meet them!"
Masama ang loob na bumangon si Ericka, mugto ang mga matang naghilamos sya sa sariling CR, pagkatapos mag-ayos ay napatingin sya sa life-size mirror na nasa loob ng kanyang kwarto, gumuhit ang ngiti sa labi ng maalala nya ang mainit na tagpo na pinagsaluhan nila ni Marlon,at wala sa sariling nahaplos nya ang mga labi at napapikit.
BINABASA MO ANG
(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig Mo
Romansa"Tandaan mo kaya ko ng tumbasan ng salapi ang pag-ibig mo!!" Mariin at puno ng suklam sa sabi ni Marlon Buenavista.