24 (end)

14K 537 32
                                    

Kung nagulat si Marlon sa biglang pagsulpot ng batang si Kristina ay lalong matinding gulat ang naramdaman ni Mark, ng titigan nya ang bata ay parang nakita nya ang mukha ni Chelsie, at may kung anong pakiramdam ang nagtulak sa kanya para yumuko at hulihin ang mata ng bata.

"You remind me someone, what is your name young lady?" Ang malambing na tanong ni Mark.

"Maria Kristina Marzan po? My mom is Chelsie Smith, Ikaw po what is your name?"

Halos masamid si Mark sa sariling laway dahil sa narinig, kaya pala kamukha ito ni Chelsie. At paano ito nangyari ang natatandaan ko sinabi ng Doctor na hindi nila nailigtas ang bata at si Chelsie at 50/50 ang mabuhay, 2days si Chelsie sa hospital ng sabihin ng Doctor na kailangan nito ng dugo kaya umalis sya ng araw na yun para maghanap at ng gabing bumalik sya ay wala na ito, isa na itong malamig na bangkay na hindi ko pinagkaabalahan tingnan dahil sa sakit na aking nararamdaman.

"Are you joking? And who is your father?" Ang pigil nyang mapiyok na tanong sa bata kasabay ng pangingilid ng luha.

"No I'm not, my mama told me that my father is Tito Marlon's best friend, his name is Mark Marzan, he look's like you but you have a beard." Ang confused na sagot ng bata.

"Oh God! " ang bigkas ni Mark sabay kabig ng yakap sa bata, kasabay ng pag-agos ng kanyang mga luha." I can't believe this, my Princess.

"Ikaw po ang papa ko?" Tanong nito at tango ang sinagot ni Mark.

"Yehey! May papa na ako! May papa na ako!" Ang tuwang-tuwa nitong sabi. At humalik pa sa pisngi ng ama. " I love you papa.

"I love you too, Princess."

Matapos ang reconciliation ng mag-ama ay naiwan na muli ang mag-anak nila Marlon. Unexpected at malungkot ang nangyari kay Chelsie pero masaya na sila para dito, dahil kahit sa huling sandali nito ay ipinamalas nito ang kabutihan bilang isang ina.

"So, Babe, ano ang iniisip mo?" Untag ni Marlon kay Ericka.

"Ano kaya ampunin na lang natin si MK?"

Napatingin si Marlon sa tinuran ni Ericka. Magsasalita sana sya ng biglang sumingit ang panganay na si Erion.

"No way mom, I don't want to have a sister that's so maarte!"

Nabigla si Marlon sa inasal ng anak at lihim naman na napatawa si Ericka.

Makalipas ang isang linggo abala ang lahat para sa nalalapit na kasal nila Marlon at Ericka na gagaanapin sa Cathedral ng Baler. Ang ama naman ni Ericka ay abala rin sa pagmamanage ng Hacienda ni Marlon sa Davao, dahil mula ng malaman ni Ericka ang totoong pagkatao ng binata ay hindi nya ito hinayaan magbalik pa sa lugar na sinilangan nito sa takot na madamay pa ito at mapagaya sa magulang na pinaslang ng dahil sa yaman.

Si Mark at Marlon ay muling nagkasundo, ganun rin sa pamilya ni Chelsie, at ang batang si Kristina ay mas pinili ang manatili sa tabi ng ama at tuwing ikatlong bwan at namamasyal ito sa Dubai.

Sumapit ang pinakahihintay ng lahat, ang pag iisang dibdib nila Marlon at Ericka. Ang kabang nadarama ni Marlon ay hindi nalingid sa kaibigan na kanyang bestman.

"Asus at talagang ninerbyos ka pa ng lagay na iyan?" Ang tudyo ni Mark.

"Gago! Natural huling araw ko na ng pagiging binata."

"Nak ng tinapa pare! Binata? ay tatay ka na 15years ago."

"Haha gago ka talaga!" Sabi ni Marlon. Magsasalita pa sana sya ng tumunog ang kampana na nagpapahiwatig na dumating na ang kanyang bride. As Ericka walk down thru the aisle, wearing a long cream off shoulder wedding gown with a long veil,ay nagsimula din ang pag awit ng choir sa kanilang mga kantang napili isa na roon ang awiting.. "When I Look Into Your Eyes"

(Completed) Tutumbasan Ko Ng Salapi Ang Pag-ibig MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon