Paglalakbay

570 2 0
                                    

Aalis na ako dito sa amin. Sobrang lungkot na naman ng pamilya ko kasi iiwan ko sila pero babalik naman ako. Naglakad na ako patungo sa hagdan habang pinipigil ang mga luhang nagbabadya nang lumabas sa aking mga mata. Nakipagkita na ako sa isang taong makatutulong sa akin upang makaalis. Habang naglalakbay, nakikita ko ang pamilya kong humahagulgol at malungkot akong nakangiting kumaway sa kanila kahit alam kong di nila ako nakikita.

Naiisip ko ang mga pinagdaanan ko at kung bakit kailangan ko nang umalis at iwan ang pamilya ko. Alam kong magiging masaya sila kung hindi ako aalis ngunit ito ang aking kapalaran at kahit wala na ako sa mundo nila, mababantayan ko pa rin sila rito sa langit at babalikan ko naman sila upang gabayan sila sa araw- araw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Credits sa may- ari ng picture, salamat. Sa Google ko lang nakuha yan eh. Feel free to comment.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon