Kasal

788 1 0
                                    

Naririnig ko na ang mga kampana. Pinanuod ko siyang maglakad sa aisle at sobrang kinakabahan ako. Napakaganda niya talaga, kasingganda ng isang bulaklak. Napakatamis ng kanyang ngiti at sobrang nagniningning ang mga mata. Iniisip ko palang na napakaswerte kong naging akin siya. Naging aking kaibigan. At hanggang doon lamang. Dahil sa isang pagkakamali, nawala ang pinakamagandang bagay na nangyari sa akin. Kung sana'y naipaglaban ko siya noon edi sana kami na ngayon. Kami na sana ang magpapakasal ngayon. Gusto ko sanang itigil ang kasal ngunit wala akong karapatan dahil ako ang may kasalanan. Sabi nga nila na kung mahal mo ang isang tao, magiging masaya ka para sa kanila. Napakaswerte talaga ng lalaking mapapakasalan niya. Masasaksihan niya ang mga ngiting ako lamang ang nakakakita noon, ang mga matang nagniningning sa tuwing ako ang kasama niya, ang pag- aalagang ako lamang ang nakatatanggap noon. Sobrang nakapanghihinayang kaya heto ako ngayon, nagmamasid lang mula sa malayo, natatakot na baka makita niya ako at ipagtabuyan gaya ng ginawa ko sa kanya noon nang di ko siya naipaglaban sa mga magulang ko.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon