Paggising ko sa umaga, kantang para sa sayaw ang sasalubong sa akin. Hangga't di natatapos ang tugtog mananatili akong sumasayaw. Ilang beses din ako nagkamali. Ilang beses na umulit- ulit. Tila di nakukuntento ang nag-uutos sa akin sumayaw nang sumayaw hanggang hindi na umiiyak ang bata.
Pero parang may mali. Kahit na sabihin ko sa katawan kong huwag sumayaw, patuloy pa rin akong sumasayaw basta may nag-utos. Kahit na nadarama ko ang pagod sa bewang at sa aking mga paa, hindi ako makatigil hanggang di natatapos ang kanta. Kahit na pagod na pagod ako, di ako makahinto hanggang di sinasarado ang music box na siyang pampatulog ng bata.
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)