Kami ay may malaking bahay. Sobrang linis nito. Makikita sa sala ang napakalaking telebisyon, isang mahabang sofa, at mga vase na nakapatong sa mga mamahaling lamesa. Maraming mga palamuting nakasabit sa mga dingding at nandoon din an aming mga litrato.
Sa kwarto naman, makikita ang isang napakalaking kama na may maraming unan. Nandoon din ang isang walk- in closet kung saan nandoon ang aming magagandang bestida at nagtataasang sapatos. Sa kainan, makikita ang napakahabang lamesa. Nakahanda ang aming mga pagkain. May manok, spaghetti, kanin, lechon, at iba pa. Sa aming hardin, iba't ibang bulaklak ang makikita mo. Mayroong rosas, daisy, gumamela, santan, orchids, at iba pang galing pa sa ibang bansa. Marami rin kaming mga kasambahay at tagapangalaga ng bahay.
Nagising ako sa galit na sigaw ng nanay ko.
"Gising na dyan. May trabaho ka pa."
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)