Author's Note

16 1 0
                                    

Sa minamahal kong readers,

Hi guys! alam kong hindi ako naging active for the past years. Masyadong kasi akong naging busy kaya umalis muna ako sa wattpad world. At ngayon ngang mataas na ang bilang ng COVID-19 cases dito sa Pilipinas, mas naging mahirap para sa aking magsulat. Idagdag mo pa ang online classes na sobrang nakakastress.


Ang masasabi ko lang ay, masaya akong nakabalik ako sa mundong ito. Ang pagsusulat na lamang ang nakakapag-pagaan ng loob ko. Nagulat nga ako dahil 10k+ na pala ang nagbasa ng mga dagli ko. Para sa akin ay napakaraming bilang na noon kaya maraming salamat sa inyong lahat. 


Sa panahon ngayon, hindi maiiwasan ang magbreakdown, maiyak, at mastress lalo na at may mga lugar na nangangailangan ng tulong dahil sa mga nakaraang bagyo. Sa mga may kaya, please magdonate kayo kahit pagkain lamang o kahit na maliit na halaga lamang. Malayo ang mararating ng mga piso niyo. Sa mga hindi naman kayang magdonate, please wag kayong tumigil na magshare o magretweet ng mga donation drives na ginagawa ng ating mga kababayan upang tulungan ang mga nasalanta. 


Gusto ko rin kayong paalalahanan na alagaan niyo ang inyong mga sarili. Sa mga estudyante, please wag kayong magpakastress sa requirements niyo dahil mas mahalaga ang kalusugan niyo at ang mental health niyo. Requirements lang yan. Mas mahalaga pa rin kayo. 


Nagmamahal,

Ms. Author

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon