Aking Kwarto

353 1 0
                                    

Napakaliit lamang ng aking kwarto. Kulay kahel ang kobre ng aking kama. May maliit na lamesa na may lampara. Ang aking damit na pantulog ay damit ko di pagkagising. May mga posters sa aking dingding at may kalendaryo. Natulog ako at pagkagising ko, kinuha ko ang aking kwaderno at nagsulat.

February 14, 2036

Mahal kong anak,
Kamusta ka na? Maligayang kaarawan. Pasensya na at wala ako dyan sa selebrasyon mo ngayon.

Nagmamahal,
Tatay

Isinilid ko ang aking kwarderno at minarkahan ang lumang kalendaryo na nakasabit sa pako sa pader na may crack na mahaba. Ilang araw na lang. Ilang araw na lang at makalalabas na ako.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon