Ang saya ng aming pagsasama. Gala rito, gala roon. Sabay kaming nagsisimba at sabay din pumapasok. Madalas siya sa bahay at tuwing siya ay nasa bahay, naglalaro kami hanggang sa kami'y kumain na. Kilala siya nina mama at kilala rin nila ito.
Ngunit ang lungkot lang dahil ngayon, minsan na lamang kami magkita dahil may girlfriend na siya. Nawalan na siya ng oras para sakin. Minsan na lang kami magkita. Minsan maglaro. Minsan kumain nang sabay pag nasa bahay. Bakit kasi nagkagusto pa ako sa kanya na kapatid ko at babae pa?
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)