Napakaganda ng kanyang buhok. Araw- araw, iba- iba ang istilo. Minsan nakatali, minsan nakalugay, ngunit palaging may makapal na headband siyang isinusuot. Minsa'y itinanong ko ito sa kanya, "Diane, bakit palagi kang naka- headband na makapal?"
"Ah, ito ba? Eh kasi dito na ako nasanay." Palaging ito ang sagot niya.
Ilang araw na at napansin kong di siya pumapasok. Itinanong ko ito sa aming guro at ang sabi niya na nasa ospital daw si Diane. Bakit kaya? Pinuntahan ko siya roon at nagulat ako sa aking nakita.
Nasaan na ang napakagandang buhok niya? Bakit niya ito pinaputol at tila wala nang natira?
"May cancer kasi ako at ang buhok ko, hindi talaga iyon ang buhok ko."
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)