Aking Kaklase

1.8K 3 1
                                    

Napansin ko ang isa naming kaklase na palaging mag- isa. Laging nasa likuran ng silid- aralan, laging tahimik, at walan pumapansin. Hindi siya pansinin sa klasrum at pati ang guro namin ay tila di siya napapansin. Hindi sumasagot, at hindi nagsasalita.

Isang araw, nilapitan ko siya. Nalaman ko na ang pangalan niya ay Tim Gonzales. Nakipag- kaibigan ako sa kanya at nakipaglaro sa kanya. Minsan ay niyayaya ko siyang pumunta sa amin para makapaglaro. Sabay din kaming pumapasok sa paaralan at sabay ding umuuwi. Palagi siyang nakangiti sa akin. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit sobra kung makatitig ang iba naming mga kaklase. Ang iba ay mukhang nawiwirduhan sa amin. May dumi ba kami sa mukha? Mabaho ba ako?

Ilang araw pa ang lumipas at napansin kong parang di na siya pumapasok. Bakit kaya? Dahil ba sa mga nawiwirduhan sa amin? Inaway ba siya ng aming mga kaklase? Imposible naman iyon dahil napakabait niya. Nagtanong ako sa aming guro at nakakapanindig balahibo ang isinagot niya sa akin.

"Sinong Tim? Wala kayong kaklaseng Tim ang ngalan."

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon