Gallery

124 0 0
                                    

Pinagmasdan ko ang aking paligid. Napakaganda naman ng mga likhang sining sa museong ito. Yung iba napalitan na ng bago dahil nabili na ng mga mayayaman. Ako lang naman yung simpleng lalaking palaging nag-iisip. Nag-iisip kung anong gagawin ko sa buhay ko. Nag-iisip kung tulad ba ng mga paintings na ito na may halaga.


"At ito naman mga bata ang iskultura na tinatawag na 'The Thinker'." Sabi ng isang guro. Napa- ahh yung mga bata sa kanilang nakita. Nakita kong nagtaas ng kamay ang isa sa kanila.

"Eh ano po ba ang iniisip niya?" Napaisip ang guro sa tanong ng bata.

"Kasi, iniisip niya yung pagkatao niya. Iniisip niya kung bakit siya nandito. Iniisip niya kung anong halaga niya." Kuhang- kuha ng guro. Napangiti ako.

"Kuhang kuha niyo raw po yung deskripsyon. Napangiti po siya eh."

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon