Nakikita ko ang mga matang mapanghusga. Mga matang nagsasabing hindi tama ang kanilang nakikita. Ngunit, ano mga ba ang tama at mali? Mayroon ba talagang tama at mali?
Magkakaroon ng Parent-Teacher Conference sa aming eskwelahan mamayang alas-diez ng umaga. Hindi ako mapakali dahil ako'y natutuwa't makikilala na ng aking mga kamag-aral at guro ang aking mga magulang. Nang kami'y makarating sa aking silid-aralan, nakita ko ang mga titig ng mga kapwa kong estudyante at ng kanilang mga magulang. Bakit ba ganyan sila makatitig na animo'y may ginawang masama ang aking mga magulang? Sa gitna ng aking pagmumuni ay hinila ako ng aking nanay upan maupo't makinig sa aming guro.
Natapos ang pag- uusap at kami ay pauwi na. Nakita kong nakatitig ang mga tao sa amin habang naghihintay kami ng dyip. Sinundan ko ang tingin nila at nakita kosilang masamang nakatingin sa mga kamay ng magulang kong magkahawak. Ano ho bang masama roon kung nagmamahalan sila? Masama ho bang maghawak kamay ang aking magulang?
Bakit? Dahil ba ang mga magulang ko ay kapwang lalaki?

BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)