Nalulunod. Yan lamang ang nararamdaman ko ngayon. Habang pabilis nang pabilis ang pagdating ng araw na iyon, ako'y patuloy na nalulunod. Konti na lamang at ako ay bibitaw na sa isang salbabidang nagsisilbing pag-asa upang makaahon ako sa pagkalunod na ito.
Madilim ang paligid. Habang ako ay nasa laot, napakadilim at napakatahimik ng paligid na tanging pagkumpas lamang ng kamay ko sa tubig ang maririnig. Ito na ata ang katapusan. Wala na atang pag-asang masagip pa ako.
At isang himala ang nangyari. Nakaahon ako. May tumulong sa akin. Sa halip na lifeguard, bakit ang tumulong sa akin ay ang aking kaklase? Ang sabi niya sakin, "Wag mong susukuan ang pangarap mo kahit na mahirap ang sitwasyon ngayon."
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)