Nakikita ko mula sa hagdanan ang aking inang nagluluto ng aking paboritong pagkain, ang Adobong manok. Ginagawa lamang niya ito kapag nag- aaway kaming dalawa. Kahit na ako ang may kasalanan, siya pa rin ang sumusuyo sa akin. Paulit ulit lamang ang aming pinag- aawayan. Hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko nang naramdaman ko ito sa aking kamay. Ni hindi ko man lamang namalayan na umiiyak na pala ako. Minsan ay nakokonsensya ako dahil sa mga nasasabi kong mga salita sa kanya na ikasasama ng loob niya. Madalas kong iparamdam sa kaniya na ikinahihiya ko siya dahil sa tuwing may mga meeting ang mga magulang at guro ay pinipilit ko siyang wag pumunta. Alam kong nasasaktan siya sa tuwing sinasabi ko iyon pero ano nga ba ang magagawa ko, nahihiya ako.
Ngayon, habang tinititigan ko siya, binabawi ko na ang aking mga sinabi sa kanya dahil naisip ko na ang swerte ko dahil may ina ako. Nakita niya ako sa may hagdanan at tinawag upang tikman ang luto niya. Agad akong pumunta doon at niyakap siya nang mahigpit. Sunud- sunod nang pumatak ang aking mga luha nang sinabi kong,
"Ma, patawarin niyo ako kung nasasaktan ko kayo dahil lang nahihiya ako sa iba. Mahal po kita at ipinagmamalaki ko kayo kahit na hindi kayo nakapagsasalita dahi narramdaman ko naman ang inyong pagmamahal sa pamamagitan ng mga ginagawa niyo para sa akin."
BINABASA MO ANG
Dagli
Cerita PendekCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)