Naglalakad. Tumatakbo. Nagtatawanan. Nagkukwentuhan. Yan ang karaniwang mapapansin tuwing uwian.
Nang dumating ang sundo niya, ako'y naglakbay na rin patungo sa aking pupuntahan. Ang mga gabay ay tanging mga busina ng mga kotse at ilaw sa daan. Nadarapa o nabubunggo man, tuloy pa rin ang lakad patungo sa kawalan.
Paano kaya kung hindi nangyari ang insidenteng iyon? Paano kaya kung hindi ako sumama? Paano kaya kung ako'y nakinig at dininig ang payo ng aking mga magulang? Panigurado hindi ako ngayon bulag at nahihirapan. Panigurado hindi ako nabubunggo at nadarapa. Panigurado masaya akong kasama ang aking pamilya.
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)