Tumunog na ang alarm clock niya. Naligo siya at nagbihis nang pormal niyang kasuotan. Bago pumunta sa date niya, bumili muna siya ng bulaklak at tsokolateng paboritong paborito ng girlfriend niya. Sobrang saya niya dahil anniversary nilang dalawa. Pagkatapos makuha ang bulaklak, dumeretso na siya sa lugar ng date nila ng girlfriend niya.
"Babe, flowers and chocolates for you." Nakita niyang ngumiti ang girlfriend niya at sinabing, "Salamat, Happy anniversary, I love you." "Happy anniversary, I love you too." Hinawakan niya ang kamay ng babae at nagsayaw sila hanggang sa matapos ang gabi.
"Matatapos na ang gabi, makikita ba ulit kita?"
"Oo naman. Basta ba ako lagi ang nasa puso mo."
"Syempre naman, babe. Wala nang iba kundi ikaw lang."
Natapos ang araw nilang dalawa. Inihatid niya na ang girlfriend niya sa kanyang bahay at umuwi na. Alam niyang kahit na imahinasyon lamang niya ang nangyaring date sa araw na ito at kahit alam niyang wala na talaga ang girlfriend niya matagal na, naging masaya siya at mananatili itong nasa puso niya.
BINABASA MO ANG
Dagli
Short StoryCollection ng Dagling naisulat ko kapag wala akong magawa... Salamat sa magbabasa :)