Hero ng Buhay Ko

895 1 0
                                    

Naalala ko pa ang mga sinabi niya sa akin. Wag daw ako malungkot pag nawala siya. Ipagpatuloy ko raw ang buhay ko kahit wala na siya. Wag daw ako magalit sa Diyos pag kinuha na siya. Pero pano ko iyon magagawa nang wala siya? Nawalan ako ng bestfriend at gabay. Itinuturing siyang bayani ng lahat at syempre ako rin. Hindi naman ibigsabihin na bayani kailangang umalis hindi ba? Ngunit bakit mas pinili niya pa ang kanyang tungkulin kaysa sa amin? Bakit niya kami iniwan? Bakit niya iniwan ang mga responsibilidad niya sa akin? Bakit di niya naisip ang mga posibleng mangyari pag nawala siya samin? Ang mga posibleng mangyari sa aming ina kapag nawala siya na kabiyak at katulong niya sa buhay? Ako, kaya ko pang mabuhay at matanggap ngunit sa aming ina mahirap iyon para sa kanya dahil mahirap magpalaki ng apat na anak nang mag- isa lamang. Aming ama, bakit mo kami iniwan dito alam mo naman na mas mahirap pag nawala ka. Mahal magpalibing, mahal ang kabaong, mas mahirap dahil bata pa kami. Ngunit kahit na ganun, ikaw pa rin ang hero ng buhay ko.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon