Mananayaw

213 0 0
                                    

Umikot ako nang umikot hanggang sa natapos ang kanta. Umulit ang tugtog kung kaya't ako'y napasayaw muli. Napakahirap pigilan ang pagsasayaw lalo na't nakasanayan ko na ito.

Tuwing ako ay sumasayaw, di ko mapigilan ang umikot nang umikot ngunit minsan ay napapaisip ako, kailan kaya ako titigil sumayaw? Kapag ba ako'y nasira na?

Minsan kasi kahit ako'y pagod na, tuloy pa rin ang pagsasayaw kasabay ng kantang paulit ulit. Parang walang katapusan. Kahit gusto ko nang tumigil sa pagsasayaw, hindi ko kaya dahil sila ang may kontrol. Habang iniikot at iniikot nila ang kontrol, di ako makakatigil sa pagsayaw. Hanggang sa hindi sila nagsasawang panoorin akong sumayaw at hanggang hindi nababasag ang bahay ko, hindi ako masisira at patuloy pa ring magsasayaw.

DagliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon