HSP Ch. 8
// KIRA'S POV //
Hinga lang Kira, hinga. "Whoooo.. Whaaaaa.."
Ang hirap pala huminga kapag kinakabahan ka ano?? Pauwi na ako ng bahay, naglakad ako kasi kelangan ko ng oras para i-cheer up ang sarili ko. TAE, kinakabahan talaga ako kung anong mangyayari sakin pagdating sa bahay. -__-
Eto na talaga.. Malapit na talaga 'ko..
Konting lakad na lang at eto!! Nandito na ako sa harap ng bahay naming maliit. Naaalala ko tuloy yung bahay nila Nathan >__>
Bwisit yun, hindi na pumasok sa mga sumunod na subject pagkatapos ng recess. San kaya nagpunta yun? Haaaaayyy, bakit ko ba siya iniisip? SUS. Malaki na siya noh. Bakit ko pa siya iisipin?? TSK.
Unti-unti kong binuksan ang pinto at nakita ko si mama na nakaupo dun sa study table niya. Nagche-check ata siya, basta may hawak na ballpen at papel. Nung mapansin niya na pumasok ako, tiningnan niya lang ako ng 0.000000000000000000000000001 seconds tapos bumalik na siya sa ginagawa niya. At take note: Cold stare ang tingin niya sakin. Aww. Mama, galit ka ba?? T__T
Kahit lumakad ako papunta sa kusina, hindi niya ako tinatanong kung kumain na ba ako o hindi. Hindi yun normal, dahil pagpasok na pagpasok ko pa lang dapat ng bahay, tatanungin niya na ko.
Tinignan ko kung may ulam, wala. yung kaldero namin, ubos na ang kanin. Napa-buntong hininga ako. galit nga talaga si Mama sakin. :(
Umupo na lang ako sa sofa na katapat ng TV at hinubad ang sapatos ko. Tapos nun, umakyat na ako sa kwarto.
Sumapalampak ako sa kama. Oh, Kira, wag kang iiyak, pigilan mo yang luha mo. Pagsubok lang yan. Magiging maayos din ang lahat. Kaya ko 'to.
Basta, mangihingi na lang ako ng sorry kay Mama. Kaya ko yun, papatawarin naman niya ako di ba?
Natulog na lang ako, hanggang lumubog ang araw. Nakakatamad at para kang may sakit kapag hindi ka pinapansin ng mama mo. T____T
// NATHAN ZAC ACOSTA'S POV //
"Ano ba yan MA!! Tama na!!"
"Hindeeee~! Kaya koh pa toh anakssshhh~! hiks!"
Winagayway niya pa ang shotglass habang pa-suray suray na lumalakad.
Naiinis ako!! Palagi na lang ganito!! Uuwi ng bahay lasing tapos, maglalasing ulit!! Naiinis talaga ako!! Kung hindi ko lang 'to nanay baka sinapak ko na 'to!!
"HEH!! Manahimik ka! akin na yan!!" Inagaw 'ko na sa kanya yung baso!! Kadiri ampot*! Ambaho niya amoy alak!! PUNYETA!!
Nilagay ko sa counter yung baso at inakay siya sa sofa. Namumungay ang mga mata niya habang nakahiga siya sa soa. Tss. Porket iniwan lang siya ni Papa, naging ganyan na siya?? Para siyang tanga. Di naman kay Papa umiikot ang mundo niya pero kung makapagdalamhati siya sa pakikipaghiwalay sa kanya ng tatay kong Gago, kala mo halos mapariwara na siya. Kulang na lang magbenta siya ng katawan para lang ganap na ganap na nagpakabaliw siya. Tss. Antanga nilang pareho. Kapag talaga, nakita ko ang tatay ko, bibigyan ko siya ng isang sapak sa mukha. hindi niya alam kung ano ang hirap mag-alaga sa lasenggang nanay.
May pasok na naman bukas. P*TA, kamusta na kaya ang babaeng 'yon?? Tss. Sinampal ako ng nanay niya tapos nagawa ko pang magtaas ng hinlalaki sa kanya?? Grabe, hindi ako ang tipo ng tao na ganun. Ewan ko ba at nag-iiba ako kapag kasama ko ang babaeng 'yon.
"Kaano-ano ka ba ng anak ko ha?? Bakit hindi siya nakauwi kagabi?"
"May ginawa kami kagabi."
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
AcakMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.