HSP Ch. 20
// KIRA's POV //
Wala akong ibang ginawa kundi umiyak nang umiyak sa isang cubicle sa girl's CR. Panay ako sa pagpunas ng luha pero tuloy tuloy ang pag-agos nito. Nakakainis! Naiinis ako sa Nathan Zac Acosta na yun! Paano niya nagawang tanggihan ang sarili niyang anak? Hindi niya kaya? Yun na ang pinakaduwag na sagot na narinig ko mula sa kanya! Bakit ako? Sa tingin niya ba kayo ko tong mag-isa? Kaya ko nga hinihingi ang tulong niya dahil kailangan ko ng tulong! Nakakainis!
“Hindi kita iiwan kahit anong mangyari.”
Bigla kong naalala ang mga sinabi ni Nathan noon nung mga oras na magkatabi kami sa kama niya bago ako umuwi. SIguro nga, siguro nga, may natitira pa akong pag-asa. May pag-asa pang malutas ang problema ko. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko siya sa bahay nila.
Kailangan kong maging matapang para sa anak ko. Gagawa ako ng paraan. Kahit saan pa ito humantong.
Sa huling pagkakataon ay pinahid ko ang mga luha ko at tsaka lumabas sa CR.
Malamang ay late na late na ko sa subject pagkatapos ng break. Kaya tulad ng inaasahan, nagtuturo naang teacher pagpasok ko ng room. Dire-diretso lang ako sa upuan at hindi man lang nag-abala na tumingin sa mga kaklase kong malamang ay nakatingin na sa'kin ngayon.
Pagkaupo ko ay tinanong agad ako ni Alex, “Kira, anong nangyari?” Gamit ang mapag-alala niyang boses.
Bumalik na naman sa'kin ang masakit na pangyayari kaya minabuti ko na lang na manahimik ang kagatin ang ibabang labi para pigilan ang pag-iyak. Umiling ako.
Bumuntong hininga siya, “Si Acosta ba?”
Yun na ang hudyat para tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Nagiging mahina na naman ako! Nakakaasar! Si Acosta ang may kasalanan nito! Duwag siya! DUWAG! Isa siyang malaking duwag!
Naramadaman ko na lang na hinagod ni Alex ang likod ko, habang pinipilit kong itikom ang bibig ko para hindi makawala ang mga hikbi.
“Sabi na nga ba't siya na naman ang dahilan. Kira, hindi mo malulutas ang problema kung iiyakan mo lang.” Payo sa akin ni Alex.
Hindi pa rin ako tumigil dahil naiisip ko pa rin ang pang-iiwan niya sakin sa ere. Patuloy lang si Alex sa pag-aalo niya sakin hanggang sa tumagal-tagal ay tumahan na rin ako. Napakaswerte ko talagag na meron akong ganitong uri ng kaibigan.
Natapos ang lahat ng mga subject dumating na ang uwian. Gusto sana akong ihatid nila Alex pero tinanggihan ko sila. Gusto ko munang mapag-isa, makapag-isip.
Nagpaalam na ako kila Elex at lumabas ng room. Sa playgroung ng school ang una kong pinuntahan. Umupo ako sa isang bench doon at pinakiramdaman ang hangin sa pamamagitan ng pagpikit.
Ilang minuto ang lumipas ay naramdaman kong medyo gumalaw ang bench at parang may umupo sa tabi ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/9768470-288-k152758.jpg)
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
De TodoMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.