HSP Ch. 19
// ALEX's POV //
Di pungal, bakit nawala yung lalaking 'yon? Nasan na siya?!? Wag niyang sabihing natatakot siya?! Papaliparin ko talaga siya kapag tatakbuhan niya itong bespren ko!
“Bwisit!” NApasigaw na lang ako. Bwisit! Kung kailan naman kailangan siya, atsaka pa siya nawala!
Kumaripas na naman ako para umakyat sa kwarto ni Kira pero bago pa ako makarating dun ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bahay, “Kira, anak?” Si Tita!
Lumibot ang paningin ni tita hanggang sa napadpad dito, “Oh? Nandito ka pala, Alex. Kakakita ko lang kay Nathan kanina ah. Nagmamadali ata?”
Ang kapal ng mukha, ni hindi man lang hinintay na umuwi kami. Bwisit na lalaking 'yon. Duwag, takot! Lahat na! Lahat na nasa kanya! Bwisit siya!
“Talaga Tita? Baka po may emergency.” Sabi ko na lang kay Tita para hindi siya makatunog na may nangyari dito.
Tumango lang siya at ngumiti. Nako, tita. Makakangiti ka pa kaya kapag nalaman mong magkaka-apo ka na ng ganito kaaga? Haaaaayy.
“Baka nga. Teka, san pala si Kira? Sinong kasama mo nagpunta rito?” Tanong niya sakin.
Nako. patay.
“Ah- Eh, nasa kwarto niya po tita.” Halos mautal utal kong sagot.
“Ah, sige. Pupuntahan ko siya.” At nagsimula na siyang lumakad. Potek, pano na 'to!? Baka mamaya makita niya si Kira na wala pang malay! Alangan namang gumawa ako ng dahilan, odi lalo kaming nahalata niyan?! Potek! Pano na 'to!
Umakyat na siya sa hagdan at nagtungo sa kwarto.
Naptunganga ako dahil umiisp ako ng paraan kung pano gagaw ng palusot para hindi makahalata si Tita.
*TING!*
Nag-ilaw ang bumbilya sa utak ko! Alam ko na!!
Bumalagbag na naman ang mga paa ko paakyat sa kwarto, ngunit laking gulat ko na gising na si Kira at parang normal na normal ang lagay niya.
Nasa bukana ako ng pinto nang tignan nila akong lahat.
“Oh, Alex. Halika. May dinala akong pagkain dito oh.” Pag-aya sa kin ni Tita
Bago ako pumasok, ibinaling ko muna ang tingin ko kay Kira. Tinignan niya rin ako na nagpapahiwatig na wag akong magsabi ng kahit ano patungkol sa nangyari kanina. Nangungusap ang mga mata niya, at hindi ko mapigilang maawa. Mabuti na lang, at mabilis niyang nakuha ang kamalayan niya.
Pumasok ako sa kwarto ng parang ang saya saya ko at parang walang nangyari.
“Oh,” Binigyan ako ni Tita ng isang cupcake, “Masarap yan, Alex.” Pagkatapos noon ay ngumiti siya sakin.
Tinanggap 'ko iyon at kinain.
Palagi kaming nagtitinginan nila Majo tapos tinitignan namin si Kira na ngayo'y tahimik na kumakain habang nakatingin sa bintana katabi ng kama niya.
Haaayyyy, mabigat talaga ang dinadala niya. Ni wala man lang siyang katuwang. Bwisit kasi yung hayop na Acostang yun! DUWAG! Iniisip ko pa lang, nag-iint na ang dugo ko!
Wala kaming ibang ginawa kundi magkwentuhan na parang normal lang ang nangyari. Ano kayang iniisip ni Kira ngayon?
// KIRA's POV //
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
De TodoMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.