HSP Ch. 26
// KIRA's POV //
Ang bilis ng araw. Hindi ko namamalayang Biyernes na. Dadating na si Mama ngayon. At ngayong araw din na ito, kakausapin namin si Mama. Kinakabahan ako, mula ulo hanggang paa. Ni wala akong ideya kung ano ang sasabihin niya kapag nalaman niyang buntis ako at si Nate ang ama. Kinakabahan ako sa mga pwedeng mangyari sa oras na kausap namin siya.
“Kinakabahan ka?” Tanong sa akin ni Nate.
Tumango lang ako bilang sagot sa kanya.
“Wag kang kabahan, nandito naman ako.” Nginitian niya ako.
Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang pansin sa teacher na nagtuturo sa harapan. Malamang wala na naman akong maisasagot nito kapag nagpa-quiz siya. Masyadong malayo ang nararating ng utak ko sa mga araw na ito. Ni hindi ko na nga gaanong nakakasama ang tatlong kaibigan ko. Nagkakausap lang kami tuwing sa pagpasok. Batian lang ng magandang umaga pagkatapos magke-kwento sa mga nangyari sa buong maghapon. Sinabi ko lahat sa kanila na kakausapin namin ni Nate si mama mamaya. Pinayuhan lang nila ako na magtiwala lang ako kay Nate, dahil pakiramdam nila na mahal naman daw talaga ako nung tao kahit kailan pa lang nila nakilala ito.
At isa pa, wag daw akong kakabahan, dahil makakasama raw ito sa baby. Napapabuntong hininga na lang ako sa mga problema ko.
“Kira, lumapit ka rito sa harap ang sagutan mo ang equation.” Bigla sabi nung teacher sa akin na may nakalahad na whiteboard marker sa pagmumukha ko. Gusto ko mag 'hah?' sa kanya, kaso nga lang, pakiramdam ko, ipinaliwanag naman niya kung paano yun sagutan. Yun nga lang, hindi na naman ako nakakapakinig. Lagot.
Pero kahit hindi ko alam ang sagot, tinanggap ko pa rin ang whiteboard marker at humarap sa board, “Kaya mo yan, Kira.” Bulong ko sa sarili ko. Pampalakas ng loob kumbaga.
Hindi ko alam kung bakit pati problema ng Math, obligado naming problemahin. Bakit hindi niya solusuyunan ang sarirli niyang problema? Lahat ng tao may problema ano. Hindi naman ata tama na tayo ang gagawa ng solusyon sa problema niya. Haaaaayyy, pati ba naman Math, kinagagalitan ko.
Ano na bang gagawin ko, bukod sa paghinga, pagtitig lang ang ginawa ko sa harapan ng board at nagbubulungan na ang mga kaklase ko. Kahit naman wala na si Kim, may natira pa rin dito na alipin niya ano. Nagsimula nang manlamig ang kamay ko. Naku, paano ko ba ito sasagutan?
Sa susunod, makikinig na talaga ako sa pagtuturo.
“Pakidalian, Kira. May idi-discuss pa ako.” Pangpe-pressure nung teacher sa kin.
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
RandomMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.