HSP Ch. 18
// KIRA's POV //
“Uy, ok ka na ba? *paypay*paypay*” Tanong ni Jileen sa'kin habang pinapaypayan ako. Grabe, napaka-OA naman nila. Nagsuka lang ako, nagsuka. Ano bang kadramahan ang ginagawa ng mga 'to at may pa-paypaypaypay pa na nalalaman? -__-
Nakaupo ako sa kama at silang lahat nakapalibot sa'kin. Wala pala si Mama, namalengke raw. Yan, wala tuloy akong kasama maliban sa mga artista kong kaibigan.
Si Nathan, nakaupo lang din sa upuan sa may kwarto ko. Bakit kaya bigla 'tong natahimik? Nakatingin lang sa lapag eh.
“Oo, ayos na ako. Sige na, sige na. Wag niyo na ako paypayan. -__-” tinabig ko na yung pamaypay sa mukha ko, at pumirme naman si Majo at Jileen.
Ayun, kaahimikan.. Walang nagsalita..
Narinig ko na lang na bumuntong hininga si Alex na para bang meron siyang kinakaharap na mabigat na problema, “Kayong tatlo,” Tinuro niya sila Jileen, Majo at Nathan, “Lumabas muna kayo. May pag-uusapan lang kami ni Kira.” Seryosong-seryoso pa yung pagkasabi niya kaya wala nang nagawa yung tatlo kundi lumabas na lang ng kwarto.
Pati ako napalunok ng laway dahil sa pagiging seryoso niya. Ano kayang meron at mag-uusap kami? Nyaak, kinakabahan ako.
Wala na silang tatlo at maya-maya pa ay narinig ko na ang pagsara ng pinto.
Bumuntong hininga ulit si Alex, “Kira...” Lumapit siya papunta sa akin at umupo sa kama katabi ko.
May kinuha siya sa bag niya.
“A-Alex, p-p-para san yan?” Halos hindi ko na masabi ng diretso ang salita ko dahil sa nakita ko...
Pregnancy Test Kit
Bumuntong hininga na naman siya at tumingin sa'kin, “Kira, kailangan na nating malaman kung ano ba talagang nangyayari sa'yo. Nandito ako para suportahan ka. Ito,” Inilagay niya sa palad ko ang Pregnancy Test, “Wala kang ibang gagawin kundi gamitin yan at tignan kung ano ang resulta. Nandito lang ako.” Sabi niya sa aki habang hawak-hawak ang pisngi ko.
Nakatulala lang ako sa kanya.
PT? Nasa kamay ko? Anong gagawin ko rito? Gagamitin ko? Bakit?
Buntis ba ako?
Nagsimula nang magbutil butil ang malalamig na pawis sa katawan ko habang nanginginig ang kanan kong kamay.
Wala, wala ako sa sarili ko. P-Pano kung... buntis nga ako?? Pano na??
Bigla na lang ako natauhan ng biglang magsalita ulit si Alex, “Wag kang mag-alala, Kira. Hindi naman natin alam eh. Kaya mo gagamitin yan para malaman natin. Malay mo, wala naman, diba?” Inalalayan niya ako patayo at pumunta sa tapat ng pinto ng CR ko sa kwarto. Ngumiti siya sakin at tinapik ang balikat ko,“Nandito lang ako.” Ngumiti na lang ako sa kanya at pumasok na sa CR.
// AUTHOR's POV //
“Puta, puta, puta.” Natatarantang palakd lakad si Nathan sa may Salas ng bahay nila Kira, nakakuyom ang mga kamay at tumatagaktak ang pawis mula ulo hanggang paa. Matagal na siyang may kutob na hindi lang sakit ang meron kay Kira.
Nitong mga nakaraang araw ay ino-obserbahan niya ito. Ang nagiging itsura ni Kira at kapag nakatitig siya sa dalaga. Mas nakikita niya ng malinaw ang malakas na pintig sa may bandang leeeg ni Kira. At alam at alam niyang isa iyon sa mga palatandaan ng pagbubuntis.
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
RandomMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.