HSP Ch. 16
// KIRA'S POV //
"Urrrrrgggghhhh~" Ang sakit ng ulo ko, parang binibiyak. Ano bang nangyari?!
Unti-unti kog idinilat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni mama.. Ni MAMA?!!
"MAMA?!?!" Napasigaw ako nung nakita ko yung mukha ni mama na parang paiyak na. Tinignan ko ang paligid. Nasa clinic pala ako. Pero teka, sinong nagdala sa'kin dito?? *ISIP*ISIP*
TAE -__- Hindi ko naman matandaan. Si Nathan kaya? EWAN! Di ko din alam!
"Anak, ok ka na ba?" Nag-aalalang tanong sa akin ng nanay ko.
"Opo Ma, ok na 'ko. Siguro dahil sa init kaya ako nahilo kanina."
"Buti naman." Ngumiti siya na may halong relief, "Wala na bang masakit sa'yo, Kira? Sabihin mo la--"
*BLAAAAAG~~~!!!*
Biglang bumukas ang pintuan at nakita ko si Nathan Zac na humahangos habang nakapatong ang mga palad sa tuhod niya.
Bakit nga palaging ganyan ang entrada niya?? Palaging padabog na binubuksan ang pinto? -__-
Tinignan ko lang siya, at nung magtama ang tingin namin ay tumakbo siya agad papunta sa'kin, "ANO NANGYARI SA'YO?!" Wah, grabe! Sakit niya sa tenga sa totoo lang! >__<
"Nahimatay ako." Matipid kong sagot sa kanya. So, hindi pala siya ang nagligtas sa'kin? Kung ganun, edi sino?? Haaaayyyy, tsaka ko na yan iisipin. Bumabalik ang sakit ng ulo 'ko eh!
"Ayos ka na ba?" HUWAW. May malasakit naman din pala ang sangganong 'to eh. ;)
Tumango lang ako sa tanong niya. At ayon, ngumiti siya katulad ng ngiti ni mama kanina, "Buti naman."
"Sino nagdala sa'yo dito?" Dagdag pa ni Nathan.
Aba, malay ko. Nahimatay nga ako eh. Hindi ko din naman matandaan. >___<
"Hindi 'ko din alam eh." Sagot 'ko sa kanya. Bumuntong hininga lang siya bago muling nagsalita, "Sige, tsaka na natin siya hanapin para mapasalamatan."
Hindi na lang ako sumagot sa kanya. Tapos maya-maya, nagpaalam na si Mama na aalis na raw siya dahil may mga klase pa siya na dapat turuan. Ibinilin niya lang ako kay Nathan. Kesyo bantayan raw ako at kung anu-ano pa. Hay, ang mama talaga, napakaprotective. -__-
Pagkaalis ni mama, kami na lang dalawa ang nasa loob ng clinic. Mga ilang minuto din kaming nanatiling tahimik.
Hanggang sa umupo si Nathan sa upuan na nasa tabi ng hinihigaan ko. Nakatingin lang ako sa kawalan.
"Palagi na kitang sasamahan." Bigla niyang sinabi. Pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay niya na hinawakan ang kamay ko at idinampi niya ito sa labi niya. Ramdam ko ang paghinga niya. Ano bang problema niya? Di niya ba alam na may naggegerang mga mandirigma sa tiyan ko habang ginagawa niya yan? Ano ba 'to? Gutom? O talagang constipated lang ako sa mga oras na ito?
"Nathan, o-ok lang 'yon." Nyak, bakit ako nauutal? Kainis kasi 'tong si Nathan eh. Hindi niya tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko at nakatingin lang siya sa kumot.
"Hindi 'yon ok," Sabi niya sa kanyang napakalumanay na boses. Tapos ayan, nararamdaman ko ang mainit niyang hininga sa kamay ko, "Kasi..." Dagdag niya pa pero ang tagal niya dugtungan yung 'kasi' niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/9768470-288-k152758.jpg)
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
RandomMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.