HSP Ch. 21
// KIRA's POV //
Minabuti kong tignan kung ano ang nasa pader at laking gulat ko na lang nang makita ang isang litrato na kinuhanan noong biyernes, na kung saan may kahalikan akong lalaki doon sa playground!
Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang litrato. Kaya ba ganoon na lang katalim ang mga tingin nila sa'kin? M-Mali sila ng iniisip.
Sa muling pagbaling ko ng aking paningin ay nakita ko na ang mala-impaktang ngiti ni Kim sa harap ko, “Natutuwa ka ba sa mga nakikita mo, Kira?” Tanong niya sa'kin.
Kahit gusto ko siyang saktan ngayon, hindi ko magawa. Kung gagawin ko iyon, baka wala na akong matirang lakas. Nanghihina na ako, ayoko nang madagdagan pa ang mga problema ko, “Ikaw ang may pakana ng lahat nang 'to?” Tiim-bagang kong tanong sa kanya na tinawanan niya lang.
“Hindi na importante 'yon, Kira my dear. Hindi ka ba proud na nakahalikan mo ang future heir ng school na ito o gusto mong ipa-tarpauline pa natin yang picture na yan?” Ngumisi na naman siya sakin. Ibig sabihin siya nga talaga ang may pakana?! Wala akong pakialam kahit yung lalaking yon pa ang tagapagmana ng school na ito, dahil una palang, siya ang humalik sa akin at wala akong kasalanan! Sagadsagaran na talaga ang pagiging kontrabida nitong babaeng 'to sa buhay ko! Nag-iinit na talaga ang dugo ko sa kanya kahit nagtitimpi na ko! Hindi bale nang maubos ang lakas ko, mabangasan ko lang ang mukha nito!
Pinukulan ko siya nang isang matalim na tingin, “Impakta ka talaga.”
Nginisihan niya na naman ako at sinabing, “Ow-em. I'm scared.” Kasama ang sarkastikong tono niya!
Doon na nagpantig ang tenga ko at napagdesisyunan kong pagbigyan na siya. Hinila ko ang buhok niya sa paraang parang matatanggal ang buhok sa anit niya!
“Impakta ka talaga! Wala kang alam sa pangyayari!” Sigaw ko sa kanya habang sinasabunutan siya! Ang kapal ng mukha! Hindi niya kasi alam ang pinagdadaanan ko sa mga oras na ito! Magulo na nga ang isipan ko, dadagdagan niya pa ang mga problema ko?!! Aba't talaga nga namang ang sarap niyang turuan ng leksiyon!! Ilang taon ko na ring tiniis ang mga kamalditahan niya!
“OUCH!! GET YOUR HANDS OFF OF ME!! A--ARRRAAAAYY~!!!”
Wala akong pakialam kahit marami nang kamay ang humahawak at pumipigilk sa'kin. Gusto ko talagang mapuruhan ang babaeng ito!
“ANG DAMI KO NA NGANG PROBLEMA, DINAGDAGAN MO PA!! IMPAKTA KA TALAGA!!! AAARRRGHH~!” Hinambalos ko ang mukha niya sa chalkboard sa pamamagitan ng paghawak ng mahigpit sa buhok niya. Bahala na! Ma-expell, mapatawag sa principal's office, bahala na!
Patuloy pa rin sa pagsigaw ang impaktang hindi naman lumalaban hanggang sa...
“TAMA NA YAN!!” Napatigil ang lahat ng umalingawngaw sa apat ng sulok ng room ang boses ni Alex na ngayo'y kararating lang na nakapwesto sa pintuan ng room. Maski ako napatigil.
![](https://img.wattpad.com/cover/9768470-288-k152758.jpg)
BINABASA MO ANG
♀♂ High School Parents ♂♀
РазноеMuling magbabalik update ang HSP.Credits to the BC maker, ate @AEGraphics. Thankyou.