TG-4

910 19 3
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

Sabado at maaga ako nagising dahil nga ay sisimulan ko na yung pag tulong ko sa babaeng multo na yun mas maganda kung sisimulan na ng maaga para naman matahimik na sya, nag lagay ako sa bag ko ng mga gamit na pwede ko magamit mamaya sa pag hahanap. bumaba na ako ng hagdan at nakita ko sina mama at dad na nanonood ng movie sas sala.

"oh albie saan ang lakad mo ngayon?" pag tatanong ni dad saakin

"may pupuntahan lang po ako" sagot ko

"sige wag magpapa gabi albie ah" sabi ni mama

tumungo ako "ok ma, alis na po ako" pag ka sabi ko nun ay nag lakad na ako palabas ng bahay.

Na txt ko na din sina Hans na hindi ako makakasama sa pag lalaro ng basketball ngayong araw dahil sasamahan ko muna itong multo na ito na hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung ano ang pangalan nya. ng makarating na ako sa park ay nakita ko na sya na naka upo sa mahabang upuan habang naka tingin sa mga nag lalarong mga bata, lumapit na ako pa lakad sakanya.

"hindi halatang excited ka?" bungad ko ng maka lapit na ako sa tabi nya at tumingin sya saakin. ganun pa din ang suot nya naka school uniform pa din sya.

"hehe... oo ano tara na?" sabay tayo nya "saan tayo mag sisimula?" tanong nya sa akin.

"hmm saan nga ba hindi naman pa natin alam kung sino ang magulang mo dahil wala ka maalala--" napa tigil ako sa pag sasalita at napa tingin sa likuran ko dahil na dinig ko ang bulungan ng dalawang magulang sa kabilang mahabang upuan.

"tingnan mo mare, may kinakausap sya"

"oo nga para syang baliw"

napa iwas nalang ako ng tingin saka nila oo nga ako lang ang nakaka kita dito sa multo na babae na ito.

"sorry" biglang sabi ni ghost na naka yuko

"para saan?"

"k-kasi kinakausap mo ako na hindi nila ako na kikita at sinabihan ka pang baliw" malungkot na paliwanag nya saakin.

"hayaan mo na sila--tara na" sabi ko sabay hawak sa kamay nya at nag lakad na kami paalis ng park.

sa pag hawak ko sa kamay nya ganun pa din ang pakiramdam ko malamig ang kamay nya.

habang nag lalakad kami ay hawak hawak ko pa din yung kamay nya para kasing may sariling pag iisip itong kamay ko na ayaw nya bumitaw sa kamay ni ghost, napa tingin naman ako sakanya dahil kanina pa sya tahimik.

"oh bakit tahimik ka dyan?"

"a-ah wala" sabi nya sabay yuko

"hindi nga? sige kapag hindi mo sinabi hindi na natin ito itutuloy" pag ka sabi ko nun ay umangat ang ulo nya at tumingin saakin

"naman... k-kasi hinawakan mo yung kamay ko nahihiya ako" nahihiyang sabi nya kaya naman tinanggal ko na yung pag hawak ko sakanya.

"pasensya" sabi ko

"ayos lang so saan tayo mag sisimula?"

"saan nga ba? teka nga" sabay hinto sa pag lalakad at pati sya huminto "kahit ano wala ka maalala?"

"wala, pag gising ko nasa janitor's room na ako na gising ako dahil may sumigaw sa loob siguro nakita nya ako at  tapos na kita ko nalang na may mga nag iiyakan hindi ko sila kilala at tapos--"

"oh tapos?"

"hindi ko na alam ang susunod"

"hay naman ganito nalang na alala mo pa ba yung janitor na naka kita sayo?"

[(Series 1)Completed] That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon