TG-25 (part.1)

456 6 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

it's time

Mabilis ang paglipas ng araw. mag hapon abala ang mga tao dito sa valentine dahil  ay nag hahanda na kami sa aming school festival yung  iba nag aayos na ng mga gagamitin lahat ng mga estudyante ay abala sa mga kanilang ginagawa. yung ibang class naman ay nag simula na sila mag bukas, meron ng tea room, picture booth, Game at dedication booth at syempre hindi mawawala ang marriage booth. kami naman ay abala sa pag aayos ng classroom dahil sa horror both ang team namin at mamayang gabi pa kami mag bubukas siguro mga six pm ay mag bubukas na kami. lahat ay excited at masaya ngayon araw. hindi iniisip ang masasamang nangyari sa nakalipas na isang buwan, gusto mag saya kasama ang kanilang mga kaibigan bago kami grumaduate at mag hiwaly-hiwalay. pero yung iba...kasama kami ay wala atang balak mag hiwalay dahil kung ano ang course ko ay ayun na din ang kukunin na course nila curt,gus at hans. ayaw daw nilang ma pa layo saakin, ganoon daw nila ako ka mahal. ang sweet nila nuh? sina vena at mara naman kasama namin sa iisang university pero iba ang course nila saaming apat. nakapag enquire na din kami sa papasukan naming university.

dalawang buwan nalang....

magkaka hiwalay-hiwalay na ang lahat, gra-graduate na din kaming lahat.

"uy hans saan pwede ito ilagay sa tingin mo?" napa linggon ako sa gawi ni gus at may hawak syang itim na kurtina.

"doon sa may bakanteng bintana wala pang kurtina doon" sabay turo ni hans sa may bintana.

"sige sige" at nag punta naman si gus sa may bintana at kumuha ng upuan para pumatong.

tapik*

na pa linggon ako sa may likuran ko ng may tumapik sa may balikat ko.

"oh..." sabi ko.

"di halatang excited ang lahat, kahit doon sa grand floor ang sasaya ng mga estudyante sinusulit na nila ang oras, oo nga pala gusto na daw nilang bumisita dito sa horror house natin albie" sabi ni curt.

"oo nga ang saya ng lahat... atsaka 4pm pa lang naman mamaya na tayo mag bukas para may trill sa gabi diba? parang horror house talaga" sabi ko naman.

"haha... oo nga paunahin mo mamaya yung dalawa sa pag pasok dito sa horror house natin" ang tinutukoy nya ay sina hans at gus. "tingnan natin kung sino ang bibigay mamaya" dagdag nya pa.

"loko ka talaga" na tatawang sabi ko.

 "oh sya babalik na muna ako sa gawain ko" sabay palo saakin sa braso at nag lakad na ng paalis si curt sa tabi ko.

na pa buntong hininga ako at tumingin sa buong classroom. kanina ko pa hindi kasama si sabina, at pakiramdam ko may kakaiba sa kinikilos nya. kapag ka usap ko sya tipid ang mga sagot nya saakin. may problema kaya sya? di kasi ako mapakali.

Sabina POV

oras na sabina...

oras na para bumalik ka....oras na para iwanan ang lahat.

 ng pag ka uwi namin ni albie galing kina mama at dad. kahit na mahirap ay dapat tanggapin na nila na wala ako, pero hindi naman talaga ako na wala... na bubuhay pa din naman ako kaso sa ibang mundo na ako na bubuhay at na bibilang...

pero mas tumindi pa ang inaakala ko... di ko na pala na mamalayan ang pag bilis ng araw at oras. 

Flash back.

Na tutulog na si albie sa tabi ko at naka unan ako sa braso nya, ang isang braso nya naman ay naka yakap saakin. pipikit na sana ako ng may maanigan akong isang liwanag na humuhugis bilog at ito ay naka lutang, kaya naman ay dahan-dahan akong umupo sa kama atsaka inalis ang braso ni albie sa pag kakayakap saakin. marahan akong umalis sa kama at sinundan ang liwanag, nag tungo ito sa balkunahe ni albie kaya naman ay lumabas din ako.

[(Series 1)Completed] That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon