PLAGIARISM IS A CRIME!!
Isang Linggo na ang naka lipas ng maka labas na ako ng hospital, sa isang linggo na yun may mga nang yari hindi ko akalain na mang yayari. ng araw na pumasok ako sa Valentine Academy ay tismis na ang na dinig ko sa mga estudyanteng na dadaanan ko sa bawat pasilyo ng school, may nang yari nung nakaraang linggo sa loob ng school, may babae daw na, natagpuan na duguan at walang malay sa second floor ng umaga at ito ay sa room66, ang hinala ng iba ay kagagawan ito ng babaeng namatay, si sabina ang tinutukoy nila. kahit nga si sabina ay nagulat sa pang yayari. kaya ngayon araw may mga pulis na nag iimbestiga sa mga nang yayari dito sa school.
nag sisimula na sya...mang damay ng iba
"albie...albie"
napatigi ako sa pag iisip ng yugyugin ako sa balikat, pag angat ko ng ulo ay nag aalalang mukha ni sabina ang nakita ko.
"albie ayos ka lang ba? kanina pa kasi kita tinatawag di ka umiimik dyan" sabi nya saakin, may tono sa boses nya ang pag aalala.
"ayos lang ako" sagot ko at ngumiti sya saakin.
lunch break namin ngayon at nasa room66 kami ni sabina at katabi ko sya.
"sana ayos lang yung babae" lumingon ako kay sabina.na laman kasi namin na hindi pa nagigising yung babae.
"magiging maayos din sya" sabi ko at ngumiti sakanya.
"ano albie kailangan na natin sila kausapin"
"sina gus ba ang tinutukoy mo?"
"oo atsaka may napapansin ako kanina pa kay vena" sabi bigla naman ako napa isip,
weird kanina si vena, kasi lalapit palang si hans sakanya lumalayo na sya tapos nung mapansin ko kanina sa canteen naka tingin sakanya si mark at ng mapansin nya na nakatingin sakanya si mark ay dali itong umalis sa pila. anung problema ni vena?
"siguro nga kailangan na natin sila kausapin"
"oo albie"
"sige mamayang uwian kakausapin na natin sila"
**
Classroom
Hans pov
"pare may sakit kaba at laking iwas sayo ni vena kanina?" loko itong si gus inaasar ako kanina pa.
"wala akong nakaka hawang sakit at malay ko ba sakanya kung bakit iniiwasan nya ako simula ng dumating si albie" sagot ko sabay inom ng juice.
tama naman eh, simula ng pumasok si albie bigla nalang nag bago si vena, nilalayuan nya ako na para bang may nakakahawang sakit ako at ayaw nyang mahawa. oo nga pala alam na nila gus at curt yung tungkol kina vena at mara yung malaking secreto nila, una nga hindi sila makapaniwala sa mga nakuwento ko, sa misteryong bumabalot sa room66.
"epal ka kasi bakit mo kasi sinabi kay vena, na sinabi mo saamin" si curt
"para alam nya"
"alam nyo sa totoo lang, yung nang yari sa schoolmate natin na babae iisa lang ang may gawa" mahinang bulong ni gus.
"oo nga halata naman"
mag sasalita sana ako ng mapansin ko na tumayo si mark at humarap sa pwesto namin, bigla ako nakaramdam ng kaba sa dibdib ko, hindi ko alam kung bakit yung tinggin nya saakin kakaiba para bang may pahiwatig saakin.
"uy hans"
"hans"
dinig ko na tinatawag ako ng dalawa sa tabi ko, pero hindi maalis yung tinggin ko kay mark, tapos napa gitla ako ng papalapit sya saamin.
BINABASA MO ANG
[(Series 1)Completed] That Ghost
Mystery / Thrillermaaari kayang mag ka gusto ang isang tao sa isang multo? posible kaya ang ganitong pag iibigan? na mag ka iba ang kanilang mundong ginagalawan, mag kakasama kaya sila ng matagal? may mawawala kaya o kaya naman may mang iiwan?