PLAGIARISM IS A CRIME!!
Lunes na ngayon wala naman nang yari masyado nung linggo huminto muna kami sa pag kuha ng mga impormayon sa babaeng multo hindi pa din maalis saakin kung sino ang bumaril ng sabado kay manang trining buti nalang nadala namin sya agad sa hospital ng mga oras na yun at nasa maayos na kundisyon na si manang. tungkol naman ulit doon sa bumaril hindi pa alam kung sino ang may gawa yung putok ay galing sa silid ng room 66 at may nakita silang baril sa sahig at naka bukas ang bintana hinala ng mga pulis na doon dumaan ang suspek.
pero ang pinag tataka ko.
kung bakit nya binaril si manang at hindi kami?
"albie"
"oh?"
"sa tingin mo sino kaya ang may gawa nun?" tanong saakin ng multo nasa desk ko sya naka upo
"hindi ko alam" maikling sagot ko
"ano ba yan si manang na nga lang ang pag asa natin para malaman kung sino ako at hindi mo na tanong kay manang kung ano ang pangalan ko"
"tatanungin ko naman sya kaso ngalang dumating agad si manong guard"
"ano kaya ang pangalan ko"
hay bakit ba kasi sa lahat ng multo sya ang iba.
sya lang ang nag ka amnesia.
(-_-)
creaakk**
napa tingin ako sa pinto at isa-isa na nasi pag sipasukan na ang mga classmates ko nakita ko na din yung tatlo at bumati saakin.
"hi papa albie" sabi ni hans at umupo sa upuan nya na nasa harapan ko
"sayang di ka naka sama nung sabado ang saya" tuwang sabi ni curt
"syempre paano di ka sasaya may mga babae na nonood" asar ni gus
"naku pasensya na ah? bawi nalang ako sa susunod" sabi ko
"saan ka ba kasi nag punta nung sabado?" pag tatanong ni hans
"dyan lang sa tabi tabi" naka ngiting sagot ko.
mag sasalita pa sana yung dalawa ng bumukas ulit yung pintuan at pumasok na yung teacher namin sa Math at kasabay nya pumasok ang isang babae na mahaba ang buhok.
umupo na sina Gus at curt sa kanilang upuan.
"class Good morning" bati ni ma'am
"morning din ma'am" sagot namin
"class may new classmate kayo meet Mara de la Cruz" pag papakilala ni ma'am sa babae sa tabi nya.
tumungo lang ang babae katulad sya ni Vena na may pag ka misteryosa.
"ms.cruz sa may likuran ka ni mr.ross ka uupo" sabi ni ma'am
may bakanteng upuan kasi sa may likuran ko may nag drop kasing classmate namin nung nakaraang buwan. nag lakad na yung babae kaso bigla syang huminto sa may tabi ni vena, tiningnan ko si vena na mukhang di mapinta yung mukha nya ng makita sa tabi nya na naka tingin yung new classmate namin sakanya. tapos medyo yumuko yung babae at may binulong kay vena at pag katapos ay nag pa tuloy na sya sa pag lalakad hanggang sa makarating na sya sa may likuran ko.
"hanep gandang dilag" dinig ko na sabi ni curt na kasalukuyan naka tingin sa likuran ko
"hoy tumigil ka nga dyan" saway ni gus
"ok class, mag sisimula na tayo pumunta na sa harapan yung mag rereport" utos ni ma'am
"sino mag rereport?" bulungan ng mga classmates ko
BINABASA MO ANG
[(Series 1)Completed] That Ghost
Mystery / Thrillermaaari kayang mag ka gusto ang isang tao sa isang multo? posible kaya ang ganitong pag iibigan? na mag ka iba ang kanilang mundong ginagalawan, mag kakasama kaya sila ng matagal? may mawawala kaya o kaya naman may mang iiwan?