That Ghost-27

438 9 15
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

A New Beginning started...

Always be strong enough to let go, and be smart enough to wait for what you deserve.

**

Two months after

"whaaa... ang saya g-graduate na din tayo sa susunod na araw! kailangan natin mag celebrate dahil sabay-sabay tayo mag g-graduate!" masiglang sabi ni hans. nasa classroom kami at kakatapos lang ng graduation practice, wala naman masyadong klase ngayon araw dahil pinag hahandaan na ang nalalapit na graduation.

naka tinggin lang ako saka nila. pero sa totoo lang di ko maalala kung paano namin naging kaibigan si mara at vena. sa pag kakaaalam ko kasi masyadong mahiyain si vena tapos si mara naman seryoso. hmm kanina ko pa kasi iniisip paano namin sila naging ka close? tapos na pag alaman namin na pag katapos ng graduation ay idedemoslish na itong Valentine Academy. 

"uy albie" dinig ko na tawag ni gus. 

"oh..." sabi ko nalang at ngumiti.

"ayos ka lang ba o hindi pa?" nag aalala tanong gus saakin. 

"baka naman kailangan mo ulit ma confine albie" sabi naman ni curt.

"oo nga, baka di ka pa masyadong nakaka recover" dagdag naman ni hans.

Halata saka nila ang pag aalala saakin. bakit naman hindi? nung isang buwan ay nagising nalang ako nasa hospital na ako. ang kwento nila saakin ay bigla nalang daw ako nawala sa tabi nila at hinanap sa buong campus, tapos sabi ni hans nakita daw ako ni mara at vena sa room66 na naka higa sa sahig at walang malay kaya naman agad silang tumawag ng ambulansya. sa araw ng school festival daw nangyari yun. wala naman ako matandaan kung bakit ako naroon at nawalan ng malay.

"ok na ako" sabi ko at tumayo na ako. "may pupuntahan lang ako di muna ako makakasabay sainyo umuwi ayos lang ba?"

"oo naman ayos lang" sabay na sabi ni hans at curt na may ngiti sa labi.

"tsk... syempre naman para makasabay umuwi yung crush nyo" sabi ni gus. inggit itong lalakeng ito.

may crush kasi si han kay vena samantala naman si curt may crush kay mara.

pero may kakaiba talaga sa lahat ng nangyayari di ko lang ma pinpoint kung ano yun. kasi sa tuwing mag kakasama si vena,hans at cur,mara. hindi lang crush ang nakikita ko saka nila para bang may mas higit pang kahulugan iyon. kahit sila naman di na raramdaman o ako lang ang nakakaramdam?

at isa pa, para bang may kulang saakin. para bang may nawala saakin mahalagang bagay.

"inggit ka lang dahil kami may crush ikaw wala" asar ni hans kay gus.

"che! mag hahanap ako ng crush!" sigaw ni gus.

"tsk...tsk... ang pag mamahal hindi hinahanap...bigla mo nalang ito nararamdaman" sabi ni curt sabay lagay ng kamay nya sa tapat ng puso nya.

"ayeeeee... nag ka crush ka lang ganyan ka na ah!" gus.

"oo naman nuh!"

na tawa nalang ako saka nila. "hep!" awat ko saka nila. "ano na! ma uuna na ako sainyo umuwi ah" paalam ko saka nila. dala ko na ang bag ko.

"sige... Congrats saatin"

tumungo nalang ako at nag lakad papaalis ng classroom. ng nasa labas na ako ay doon ko naman nakita si vena at mara, nag lakad sila papunta saakin.

"Congrats saatin dahil malapit na grumaduate" masayang sabi saakin ni vena.

"a-ah oo congrats din pala" sabi ko.

[(Series 1)Completed] That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon