That Ghost 28

478 11 2
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

Ang lahat ay nag simula sa umpisa at nag tatapos sa Huli...

pero ang pag ibig ko sa kanya ay walang katapusan...

isang pag ibig na imposibleng mangyari...

Ano nga ba ang kakahantungan ng pag ibig namin? malungkot o masaya?

**

"anak bumaba kana nasa sasakyan na ang dad mo" sabi ni mama saakin, nasa labas sya ng kwarto ko ako naman ay nasa loob. nag aayos ng sarili, dahil ito na ang pinaka hihintay ko...ang grumaduate kasama ang mga kaibigan ko.

"sige ma...bababa na ako" 

"ok hintayin ka nalang namin sa labas" naka ngiting sabi ni mama saakin at sinarado ulit ang pintuan ng kwarto ko.

"nakaka kaba naman, ganito ba ang pakiramdam kapag g-graduate na?" sabi ko sa sarili ko habang naka tingin sa salamin at inaayos ang necktai ko. kinakabahan kasi ako dahil ako ang Valevictorian at mag speech pa ako.

"ayos na..." naka ngiti kong sabi. 

nag lakad na ako papunta sa side table ng kama ko para kunin ang gamit ko lalo na ang panyo baka mamaya di ko mapigilan di maluha sa mangyayari mamaya. kinuha ko isa-isa ang mga gamit ko ng malaglag sa sahig ang pitaka ko. kaya naman tumungo muna ako para kunin ito.  ng mapulot ko na ang pitaka ko ay binuksan ko ito. at ngumiti ako sa nakita ko.

kahit na ilang buwan na ang naka lipas ay di ko pa din sya nakakalimutan kahit na iniwanan nya ako ng biglaan. oo aaminin ko na matapos ko maalala ang lahat ay di ko maiwasan ang di magtampo sakanya, hindi naman kasi mawawala yun. buong gabi ako umiyak nun dahilan ng pag tataka nina mama at ng mga kaibigan ko sa nakita nila saakin ng biglaan kong pag iyak. ng wala na ako maiyak ay saka ko nalang na tanggap ang lahat...ang lahat na hindi na sya babalik pa saakin. pero may tangi akong hiling na sana kahit ngayon araw o kahit anong araw ay mag pa kita manlang sya saakin dahil miss na miss ko na sya. ang babaeng nag bigay saakin ng kakaibang karanasan ng High school days ko. madami man ang nangyari saamin ay hindi pa din doon nag tatapos ang pag kakaibigan namin.

"sabina...kamusta ka na? alam mo ba ngayon araw na ako g-graduate? sayang ngalang at di mo masasaksihan ang pag graduate ng boyfriend mo." natawa ako sa sinabi ko. "ikaw ah bigla mo nalang ako iniwan kapag ikaw nag pa kita tatadtarin kita ng yakap at halik." sinasabi ko ito habang naka tingin sa pitaka ko. ang dalawang larawan namin ni sabina, yung isa ay yuns sa rooftop at pangalawa naman ay nung school frstival namin sa photo booth.

A/N: Picture ni albie at sabina nung school festival nila...sa photobooth >>> see the picture sa right side>>>>

"oh paano ba yan aalis na ako baka ma late pa ako." bago ko isara ang pitaka ko ay hinalikan ko mo ito. " I love you sabina"

**

"huhuhu....ayaw ko na ito na iiyak na ako" 

ng makarating kami sa lugar kung saan gaganapin ang graduation ay nag hiwalay na kami ng magulang ko. nasa parents area sila kami naman nasa unahan. ang mga g-graduate.

"wag kang OA Gus di pa naman nag sisimula, mas na una pa ang luha mo kaysa ceremony" sabi ni hans.

"pare wala basagan ng trip eh sa gusto lumabsa ng luha ko, mapipigilan ko ba iyon? hala sige sabihin mo saakin kung paano wag lumuha...baka mamaya nyan ikaw ang mas lumuha saatin ah" si gus, nag k-kunwaring galit.

"ma m-miss ko kaya kayo" banggit naman ni curt.

"curt nag bibiro ka ba? eh sa iisang universty naman tayo papasok. sawang-sawa na nga ako sa pag mumukha nyo kaya di ko kayo ma m-miss" si hans ulit. na tawa ako sa sinabi nya.

[(Series 1)Completed] That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon