TG- 23

485 8 0
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

Albie POV

"sabina t-teka bakit lumalabo ka?" na uutal na tanong ko sakanya.

nasa room66 kami at hapon na, nag sisiuwian na ang mga ibang estudyante pero ako? hindi pa dahil gusto ko malaman kung bakit nag kakaganito si sabina,  simula kanina pang umaga ay hindi nya ako pinapansin at na papasin ko nalang ang biglaang pag babago nya. lumalabo sya tapos hindi ko na sya kaya pang hawakan, anong nang yayari sakanya.?

"iiwanan na kita albie..." malungkot na sagot nya saakin habang naka tungo sya.

na bigla ako sa sinagot nya, kaya naman lumapit ako sakanya at sinubukan syang hawakan pero di ko talaga sya mahawakan. napapaluha na ako.

"w-wag *snift* wag mo ako iwan sabina please...." umiiyak na sabi ko sakanya.

"albie...pasensya na, pero *buntong hininga* oras ko na"

at unti-unti na syang na wawala sa paningin ko.

"WAG! SABINA! wag mo ako iwan!!!"

"SABINA!" napa malukso ako sa higaan, at napa hawak sa ulo ko. ramdam ko ang pag habol ko sa pag hinga ko. "isang panaginigp...pero mukhang totoo, ano ba itong panaginip ko" bulong ko ng mahina.

tumingin-tingin ako sa bawat sulok ng room ko at na pa tingin sa bintana, umaga na. eto na ang bagong simula, wala ng gulo pa kaming kakaharapin, mag kakasama pa kami hanggang sa grumaduate kami ng high school. pero- - "uh.." na pa tigil ako sa pag iisip ng may na dinig akong boses sa gilid ng kama ko.

si sabina... at kakagising lang nyan, kinukusot-kusot nya ang mata nya.

"Good morning albie gising ka na pala" bati nito at ngumiti saakin "gutom ka na ba?" tanong nya ulit saakin.

kailangan ko pa ba syang sagutin? kausapin?

"wala..." sabi ko at bumalik ako sa pag kakahiga atsaka nag taklob ng kumot.

bakit ba ganito ang trato ko kay sabina? oo may pinag samahan naman kami, pero hindi naman kasi mawawala sa lalake ang mag selos diba? aaminin ko, nasaktan ako sa nasaksihan ko habang nag uusap sila ni mark hanggang sa bawian na ito ng buhay. andoon ang pag aalala ni sabina kay mark. pero ang pinag tataka ko kung bakit nakikita ni mark si sabina nung gabing iyon.

"albie..." tawag nya, pero di ako sumagot naka taklob pa din ako ng kumot. "dalawang linggo mo na ako hindi pinapansin o kinakausap ng ma ayos, ano ba ang problema? may nagawa ba akong mali na kinagalit mo?" may lungkot sa tono ng pag sasalita nya.

psh...hindi nya ba nararamdaman? kailangan ko pa bang sabihin sakanya na nag seselos ako at nainis nung gabing iyon,  tapos may pa hawak-hawak pa syang na lalaman sa pisngi ni mark.

"albie naman kausapin mo ako ng maayos hindi yung ganito tayo, ayoko may tampuhan tayo. gusto ko maayos na ito bago pa mahuli- -" di nya pinagpatuloy ang huli nyang sinabi "a-ah ano- - ang ibig kong sabihin bago pa maging mag kaaway pa t-tyo" na uutal na sabi nya, medyo di ko sya gets sa huli nyang sinabi.

"sabina..." bigkas ko. naka tago pa din ako sa ilalim ng kumot.

"a-ano yun?"

"iwan mo muna ako..." utos ko.

"yan ba ang gusto mong gawin ko?" tanong nya saakin.

gusto ko nga ba sya umalis?

nag hintay ako ng sagot mula sakanya...

wala ako na dinig pang salita sakanya, kaya naman tinanggal ko ang pag kakataklob ko sa mukha ko, dahan-dahan akong umupo sa kama at sumadal sa headboard. "sabina..." wala na si sabina dito sa loob ng room ko. 

[(Series 1)Completed] That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon