Tg-10

746 16 2
                                    

PLAGIARISM IS A CRIME!!

A/N: Meet Mark sa side >>>>>>

"albie hindi na muna kami sasabay sayo may kalokohan kasi kami gagawin" sabi ni hans.

"ano namang kalokohan yan?" tanong ko.

"psh... hindi naman kalokohan yun baka sya may gagawin na kalokohan, sa susunod albie sasabihin namin sayo pero ngayon hindi na muna" si curt ang nag paliwanag. tumungo nalang ako.

"sige albie una na kami" paalam ni gus at sabay silang tatlo na umalis ng classroom. at pag katapos ko malagay lahat ng gamit ko sa bag ko at sinakbit na ito ay nag lakad na ako papunta sa pintuan at napa tigil ako bigla.

"hayy.. kaya ko ba syang harapin?" tanong ko sa sarili ko nasa labas kasi sabina, simula ng sabihin ko sakanya kung pwede ko ba maging girl friend at liligawan ko sya naging tahimik tuloy sya at nag kakahiyaan kami. arrghh bahala na binuksan ko na yung pintuan at nakita ko sya na naka sandal sa pader at agad ko naman sya nilapitan.

"sabina" tawag ko mula sa pag kakayuko nya napa angat sya ng ulo at naka tinggin saakin. "tara uwi na tayo" naka ngiting sabi ko sakanya, tumungo lang sya mukha nga na hihiya sya. lalakad na sana kami ng biglang may tumawag sa pangalan ko.

"albie" pag ka linggon ko si mark pala ang tumawag saakin.

"bakit?"

"hm... may sasabihin lang naman ako sayo" sabi nya.

mag sasalita sana ako ng maramdaman ko si sabina sa gilid ko na hinawakan nya yung kamay ko na mahigpit at sumisiksik sa may likuran ko.kaya naman nilinggon ko sya.

"sabina ano problema?" bulong ko sakanya.

"a-albie u-umalis na tayo" sabi nya saakin na uutal sya.at mukhang natatakot sya.

"albie may problema ba?" nag tatakang tanong ni mark

"w-wala naman"

"sigurado ka ba? kasi naka yukom yung kamay mo" nag tatakang tanong ni mark at tiningnan ang kamay ko, oo nga pala ako lang ang nakakita kay sabina.

"aa.. masakit kasi yung tyan ko tinitiis ko lang ano ba ang sasabihin mo?"

"sasabihin ko lang naman na kung maaari ba kitang maging kaibigan?" tanong nya

naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng kamay ni sabina saakin na para bang sinasabi nya na gusto nya ng umalis dito.

"*snift* albie umuwi na tayo" lumuluha na sya, ano ba ang problema ni sabina.

"mukhang nag iisip ka pa albie"

"a-ano sige payag ako, kita nalang tayo bukas nag mamadali na kasi ako"

"oh sige ingat dear friend" sabi nya tapos umalis na sya nag lakad papalayo.

**

"sabina ano nang yari sayo kanina?" tanong ko sakanya dinala ko sya dito sa seven eleven.

"kasi bigla ako naka ramdam ng takot sakanya ng makita sya nung tiningnan ko yung mga mata nya may kakaiba na sakanya tapos diko na napigilan pa maluha diko alam kung bakit ko ito naramdaman" sabi nya. pina inom ko na sya ng tuibig para mahismasan sya.

"na bigla kalang siguro na makita sya, bagong classmate namin sya" sabi ko

"sorry albie"

"para saan naman?"

"eh kasi pinilit kitang umalis agad" sabi nya, hinawakan ko naman yung kamay nyang naka patong sa lamesa at nagulat sya.

"wala naman saakin yun... sabina yung tungkol pala sa sinabi ko sayo kanina"

[(Series 1)Completed] That GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon