Goodbye, Sofia!

5.5K 136 10
                                    

REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 3

DALAWANG araw na ang lumipas ngunit di pa rin nagbabalik si Sofia.Wala man lamang ibang alam si Ivan tungkol sa kanya.Ni hindi niya alam kung paano at saan hahanapin ang babaeng naging malaki ang bahaging kinuha sa kanya. Ang puso niya.

Hindi na muna siya umuwi sa kanila.Nagbabakasaling babalik si Sofia.Nasa hotel room pa rin siya.Naghihintay.Umaasa.

GALIT na galit naman ang board members nang di pa dumarating si Ivan.Naiinip na kasi sila sa kakahintay sa binata.Hindi rin naman sila pwedeng basta na lamang magsimula,lalo na kapag wala pa ito.

"Nasaan ba si Mr.Valencia, Angelo?" tanong ni Mr.Ranillo sa binata.Nasa lahi na yata nila ang pagiging gwapo.Kaya di rin maikaila na dugong Madrigal pa rin ang nananalaytay sa kanila.Binata na rin si Angelo ngayon.Limang taon ang agwat ni Ivan sa kanya.

"May pinagdadaanan lang ho ang pinsan ko sa ngayon.Let's just cancel the meeting.I will re-schedule it, just as soon as I hear from kuya Ivan."Mahinahong tugon ni Angelo.

"Ang hirap kasi dito, kung sino ang anak o apo ng Kumpanya ay doon binibigay ang mataas na posisyon, kahit di niyo pa naman kaya!"Galit na sabi ni Mr.Ranillo.Saka sumunod na ring lumabas ng board room ang buong board members.Naiwan namang natigilan si Angelo.Kanina pa niya tinatawagan si Ivan ngunit di niya ito ma-contact.

Nagmadali na siyang bumaba ng Company nila upang puntahan ang tita Jewel niya.

MATAPOS mapa-developed ni Ivan ang lahat ng mga magagandang larawan ni Sofia ay inilagay niyang lahat iyon sa isang malaking album.It's more than a hundred of photos.

"Kung alam mo lang na miss na miss na kita, Sofia.Bakit napakadaya mo?Hindi ka man lang nagpaalam sa akin."Luhaang tanong ni Ivan sa sarili.Habang hawak ang mga larawan ng dalaga.Ang hirap tanggapin.

PAGDATING ni Angelo sa tahanan nina Jewel ay agad naman siyang hinarap ng tita niya.

"Tita,nasaan si Kuya Ivan?"Tanong ni Angelo matapos humalik dito.

"Hindi nga umuuwi sa bahay,eh.Ni hindi ko rin ma-contact."Tugon ni Jewel.

"Nagalit ho ang board members kanina, dahil hindi sumipot sa meeting si Kuya."Ani Angelo.

"May problema ba ang pinsan mo?"Tanong ni Jewel na nag-aalala.

"Nagtalo ho kami two days, ago.Lagi hong mainit ang ulo.Lahat ng presentation na ginawa ko,di niya gusto. Ayaw niya ng suggestions ko, tita.Naisip ko lang na baka galit si kuya sa akin."Sabi ni Angelo.

"Magkakaayos din kayo ni Lewis, Gelo."Ani Jewel."Kapag nakauwi na siya, sasabihin ko agad saiyo."

"Thanks,tita."Sabi ni Angelo.

"Ako na muna ang bahala sa board members. Ako  mismo ang makikipag-appoint ng meeting sa kanila, bukas."Sabi pa ni Jewel saka tumayo upang ipaghanda ng meryenda ang pamangkin.
Tumango naman si Angelo.

Siya namang pagbusina ng kotse ni Ivan sa labas ng tarangkahan.

"Tita, si Kuya Ivan."Sabi ng binata at napatayo agad upang salubungin ito.Lumabas siya ng main door upang makita ang pinsan.Ngunit nang makita na niya si Ivan, nanibago siya agad.He looks so messy! "Kuya Ivan."

Isang makahulugang tingin lamang ang ipinukol ni Ivan sa kanya saka nagtuloy-tuloy na ito sa pagpanhik sa itaas ng bahay.Muling pumasok si Angelo.

"Lewis Ivan!"Tawag ni Jewel sa anak nang lampasan lamang nito si Angelo."Gelo, come and have a drink.Susundan ko lamang 'yon."

REMEMBER ME THIS WAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon