REMEMBER ME THIS WAY
By:Yeshameen Brejente[THE FINAL CHAPTER]
IMBES na pumayag si Francis sa naging alok ni Martha ay tinawanan niya lang ito. Saka siya napailing.
"Don't be so mean, Martha. Just be happy for the both of them. Because I do believe in God and in Karma." Tugon ng binata sa dalaga. "Well, you're pretty. And be aware that I am single."
Inirapan ni Martha ang binata saka siya napangiti dito. Saka niya tinawanan din ang binata.
"I was just trying you, Francis. Masyado ka namang seryoso. Well, I have moved on from Ivan. Although may magandang closure naman kami dati, syempre di ko pa rin maiwasang magselos. Bago pa kasi naging kami ni Ivan, naging childhood friends kami. Kaya siguro hindi ako masyadong sanay na mayroon na siyang ibang kasa-kasama." Saad ni Martha. "If you're single, then I guess there is nothing wrong if we go out, sometimes."
Nang magkamay sila ay bahagya pang pinisil ni Francis ang palad ni Martha.
"Sounds, great." Tugon ni Francis. Hindi nagtagal ay nakalapit na sa kanila sina Ivan at Catherine. Tumikhim pa ang binata.
"I guess, everything happens for a reason." Ani Ivan na napapangiti nang magtama ang tingin nila ni Martha. "My grandfather might be so happy, having you guys here, finding each other's destiny." Maging si Catherine ay nakangiting napatingin kay Francis.
"Mabuti na lang at sumama ka sa akin, Francis. Kasi kung hindi, baka walang chance na magkita kayo ni Martha." Wika ni Catherine.
"Pinagtripan ba naman nila agad tayo, Francis." Napapailing na wika ni Martha.
"Eh, di totohanin na natin." Tugon naman ni Francis. Bagay na ikinatawa nilang apat.
PAGKALIPAS ng limang buwan. Dinala ni Ivan si Catherine sa Lewishantie Resort. Nagtataka naman ang dalaga kung bakit siya dito nito dinala. Papaakyat sila sa itaas ng hotel. Kung saan tumira ng ilang taon si Ivan. Ang hotel room kung saan niya minahal si Sofia. Ang hotel room na naging saksi ng pag-ibig na minsan ay pinagsaluhan nila ni Sofia.
"Ivan, why?" Takang tanong ni Catherine sa binata. "Ano ang gagawin mo sa akin?"
"Syempre, wala." Tugon ni Ivan. At napakunot naman ang noo ng dalaga. "Gusto ko lang ipakita saiyo ang dati kong buhay."
"Dati mong buhay? Ano ba ang ibig mong sabihin?" Nahihiwagaang tanong ni Catherine. Nang buksan ni Ivan ang hotel room ay sumambulat kay Catherine ang mga portraits ni Sofia. Ang masasaya nitong mga pictures na naka-frame. At mayroon pa itong sariling sculpture na pinalilok mismo ng binata. Ang ganda nga ni Sofia.
"Sofia was my life, before. She left me lots of happy memories. She wanna be remembered as a beautiful woman. A woman that's full of love and smile. She wanna be remembered this way." Wika ng binata.
"Ang swerte naman ni Sofia." Saad ni Catherine habang hawak ang photo frame kung saan sunset ang background. May babaeng tumalon sa dagat na nagdulot ng splash. Ang ganda ng larawang iyon. "Pero , mas maswerte ako saiyo. Kasi nandito ka, kasama ko."
Lumapit si Ivan sa kanya. Hawak siya nito sa magkabilang pisngi.
"Mas mapalad ako sa inyong dalawa. Dahil nang magmahal ako, minahal niyo rin ako. Ang kambal na tanging nagmahal sa akin. Minahal niyo 'ko sa magkaibang paraan. At iyan ang dahilan kung bakit pagkatapos ng kabiguan ay muli akong bumangon." Saad ni Ivan. At niyakap niya ang dalaga. "I love you so much, Catherine Dela Ria."
"Kahit batid kong puso ni Sofia ang tumitibok ngayon para saiyo, Ivan.. alam ko sa utak ko, na kahit sarili kong puso ang narito, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Salamat dahil kahit minsan, hindi mo ipinaramdam sa akin na mahal mo 'ko dahil ako si Sofia. Kundi minahal mo 'ko bilang ako." Nang maghiwalay sila ay humakbang na sila palabas ng hotel room. Biglang namatay ang mga ilaw. Nagulat naman ang dalaga. "Ivan.."
Bakit hindi niya mahagilap si Ivan sa dilim? Bakit, parang nawala ang binata? She steps forward. Still groping for him in the dark. At ilang sandali pa ay biglang nagliwanag ang kalangitan dahil sa magagandang fireworks! Hindi niya maiwasang mamangha at humanga. May surpresa nga para sa kanya si Ivan. Tumagal ng twenty minutes ang fireworks display. Pagkatapos no'n ay muling nagliwanag ang mga ilaw sa buong resort. Saka umugong ang malakas na tugtog ng orchestra. At nagsimula namang dumami ang mga taong nais sumaksi sa maaaring gumanap. Ang bawat isa ay mayroong hawak na white rose para kay Catherine. Isa-isang inabot ng mga ito ang hawak na white rose sa dalagang nasa huling baitang ng hagdanan tungo sa ikalawang palapag ng hotel. Walang mapagsidlan ang tuwang nadarama si Catherine. Kahit punum-puno ng ngiti ang mga labi niya'y hindi pa rin niya maiwasan ang mapaluha.
"Ang sarap mo namang magmahal, Drake Lewis Ivan Madrigal Valencia." Ang tanging namutawi sa dalaga. Lumabas si Ivan mula sa siksikan ng mga tao. Mayroong hawak na isang pumpon ng white roses. Umakyat siya sa taas ng hagdan saka masuyong lumuhod sa harap ng dalagang walang kasing ganda sa mga oras na 'yon. Mula sa likod ng maraming tao ay lumabas naman sina Aling Agnes, Mang Romeo at si Alex. Kasama ng buong angkan ni Ivan. Mukhang pinaghandaan nga ito ni Ivan nang wala siyang alam.
"Will you be the woman to complete me? To love me and for me to cherish till we both shall live?" Tanong ni Ivan habang nakaluhod sa harapan ni Catherine. And he's emotional when he asks that. Napaluha naman dahil sa galak ang dalaga. Kung dati ay nababasa niya lang sa mga pocketbooks ang ganoong eksena, ngayon naman ay personal na niyang naranasan. At ang sarap pala sa pakiramdam. Nakakataba ng puso. She went near him. And he took his right hand and kissed it. And she nodded.
"Yes, of course yes!" Lumuluhang saad ni Catherine saka inilahad ni ang kanang kamay niya sa binata. Inilabas naman ni Ivan ang diamond ring na bigay sa kanya ni Sharleeze. Ang diamond ring na si Travis mismo ang nagbigay. Nang maisuot niya ang singsing sa dalaga ay itinaas nina Thirdy at Alex ang kopita ng alak at bote. Nagdulot iyon ng ingay sa buong paligid.
"Catherine and Ivan are officialy engaged! Cheers to that!" Masayang wika ni Thirdy saka inakbayan ang asawang si Jewel.
Itinayo naman ni Catherine ang binata. Saka niya ito hinagkan sa harap ng maraming tao. Na nagdulot ng mauugong na hiyawan sa buong resort.
FOUR years, later. Naglalakad sa beach ng Miami sina Ivan at Catherine. Kasama ng dalawang batang isang babae at isang lalaki. Ang naging bunga ng kanilang pagmamahalan at masayang pagsasama bilang mag-asawa. Sina Sophie at Rave.
"Parang kahapon lang nang mag-propose ka sa akin, Ivan. Ngayon, kasama na natin ang mga anak natin." Wika ni Catherine, habang akay nila ang mga anak. And when the sun is about to set, they all took their seat on the white sand. Watching the beautiful sunset. Habang isa-isang naupo sa kandungan nila ang mga bata.
They named their daughter after Sofia. To remember her, always. Giving her a special place in their thoughts and life. Just as Sofia wanna be remembered this way.THE END
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
RomanceMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...