Masamang hangin

4.9K 134 9
                                    

REMEMBER ME THIS WAY
Written by:Yeshameen Brejente

CHAPTER 5

NAMUMULA ang gwapong  pisngi ni Drake Lewis Ivan nandahil sa sakit ng pagkakatuhod ni Catherine sa pagkalalaki niya. Hindi niya inakalang gano'n ito kalakas.

"Martha, what's wrong?" tanong ni Jewel kay Martha nang makita niya ito sa tabi ni Ivan.

"W-wala Mama." Tugon ni Ivan matapos maging okay sa sakit na nadarama ng kargada niya. At mapula pa rin ang pisngi niyang maputi.

"Sofia?" di makapaniwalang saad ni Jewel nang makita si Catherine.

"Wow, mga adik yata kay Sofia ang mga mayayaman na 'to!" bulong ni Catherine sa sarili. "Teka ho, sino ba talaga si Sofia? Nung isang araw 'yang maniac na lalaki na yan ang tumawag sa akin sa pangalang 'yan. Ngayon kayo na naman ho. Matanong ko lang, sino nga ba si Sofia?"

"Hindi maniac ang anak ko!" naiinis na sabi ni Jewel sa dalaga. "Ivan sino nga ba ang babaeng 'to? Ano ang ginawa saiyo?"

"Eh kayo, Ma'am kapag may lalaking bigla na lang lalapit sa inyo upang yakapin kayo nang mahigpit saka hagkan sa lahat ng maraming tao, di ba kayo magagalit? Ni wala pa nga akong boyfriend, may unang lalaki agad na makahalik sa akin!" sabi ni Catherine saka nagpunas ng sariling labi.

"Tita, she saved my bag from the snatcher. Kung wala siya dito, marahil ho wala na ang bag ko."Ani Martha.

"Thanks, hija." Sabi ni Jewel kay Catherine saka binuksan ang shoulder bag niya. Naglabas ng perang nagkakahalagang limang libong piso saka iniabot sa dalagang si Catherine. "Konting tulong, tanggapin mo 'to."

"Naku, Ma'am salamat na lang ho pero di ko 'yan matatanggap. Sapat na sa akin ang makatulong sa kapwa. Excuse me ho at ako ay lalakad na." Ani Catherine saka inayos ang suot niyang sumbrero.

May balak pa sanang pigilan ni Ivan ang dalaga ngunit napigilan siya ni Jewel. Mabilis nang nakaalis si Catherine.

"Paano at naging kamukha ni Sofia ang babae na 'yon?" takang na tanong ni Jewel sa anak habang sabay sila nina Martha na pumasok sa loob ng Company.

"I don't know, Mama. I wish I could answer that question.Pero malayo ang pagkakaiba nila ni Sofia." Sabi ni Ivan. "Pero kailangan kong puntahan si tito Alex at nang matanong ko kung may kakambal ba si Sofia."

Di na nagsalita si Jewel. Batid niyang alam na ng binata kung ano ang dapat gawin sa buhay. She can no longer dictate him what to do.Pero kung papipiliin lang sana siya ng mamanugangin, si Martha lamang 'yon at wala ng iba pa.




WALA nga'ng sinayang na oras si Ivan.Agad niyang pinuntahan sa mansion si Alex Dela Ria. Kahit magiging masakit sa kanya ang lugar na 'yon dahil doon niya nakita ang bangkay ni Sofia. He just have to be sure that Catherine isn't Sofia.

"Ivan?" takang tanong ni Alex nang makita siya sa sala na naghihintay. "What takes you, here?"

"Tito, I just have some questions to ask you." Ani Ivan sa seryosong tinig.

"What is it?" tanong ni Alex. Kunot ang mga noo habang kausap siya.

"May naging kapatid ba si Sofia?" tanong ng binata, saka tumitig nang tuwid sa mga mata ni Alex.

"Wala. Sofia is my only child."Tugon nito."Bakit mo naitanong?"

"May nakita ho akong babae na malaki ang pagkakahawig kay Sofia. I really thought it was her.Kung hindi ko ho nakita ang bangkay ni Sofia, I could say that it was her.But she is not Sofia. She's Catherine. Simple hong manamit. Hindi formal kung kumilos, magaspang kung magsalita. She's Sofia's total opposite." Sabi ni Ivan sa ama ni Sofia.

REMEMBER ME THIS WAY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon