REMEMBER ME THIS WAY
Written By: Yeshameen BrejenteCHAPTER 18
HINDI alam ni Catherine kung ano ang ginagawa ni Francis dito sa mansion nila. At kung paano siya natunton nito ay wala siyang ideya.
"Francis? Ano ang ginagawa mo,dito?" papanhik na sana siya nang makita niyang unti-unting lumalapit ang binata sa kanya. Ito ang anak ni Señora Leonora. Ang binatang noon pa ay umiibig na sa kanya.
"Catherine, we need to talk." Sabi ng binata. Gwapo ito at matangkad. Walang nagawa si Catherine kundi ang mapasunod sa anak ng dati niyang amo. Naupo sila sa mahabang sofa ng sala. "Nabalitaan ko kay Mama na nabawi niyo na ang lupang kinamkam niya sa inyo."
"Oo." Tugon ni Catherine. "Ano ba ang ating pag-uusapan?"
"Gusto ko lang makahingi ng tawad saiyo. Sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ni Mama saiyo at sa pamilya mo." Wika ni Francis.
"Kalimutan mo na 'yon, Francis. Matagal na 'yon. Ipinagdarasal ko na lang na sana ay magbago na si Señora Leonora." Saad ni Catherine.
"Bagay pala saiyo ang ganyan." Wika ni Francis. Minasdan nito ang kanyang kabuuan. Mula sa pananamit at sa ayos nito. "You look more, beautiful."
Biglang nag-ring ang cellphone ng dalaga. It was Lewis Ivan calling. She quickly tap the accept button. "Hello, Ivan?"
"Cathy, nasa bahay ako ngayon nina grandpa. He's gone." Balita ni Ivan sa kanya. Umiiyak. Nataranta naman ang dalaga sa narinig.
"I'm sorry to hear that, Ivan. Sige, pupunta ako dyan. Kami ni Papa." Tugon ng dalaga saka tinapos na ang kanilang pag-uusap.
"What happen?" takang tanong ni Francis.
"Pumanaw na si Justice Secretary Travis Madrigal, Francis." Wika ni Catherine. "Lolo siya ng boyfriend ko."
"I see." Saad ng binata. "If you are going there, I am going with you." Tumango naman ang dalaga.
DUMAAN na muna sila sa isang mamahaling flower shop saka bumili ng mamahaling mga bulaklak para ialay sa yumaong si Travis. Alam ng dalaga na ngayon siya higit na kailangan ni Ivan sa tabi nito. Lalo pa at pumanaw na ang lolo nitong batid niyang mahal na mahal ng binata.
MARAMING tao ang dumalo sa lamay ni Travis. Mukhang kumpleto nga ang mga Madrigal. Sabay pang naglakad sina Francis at Catherine tungo sa kinaroroonan ng ataul ni Travis. They both made a sign of a cross and offered Travis a prayer. They put down the flowers they bought. Pagkatapos no'n ay lumingon si Catherine at nakita niya ang biyuda ni Travis. Si Sharleeze. Nakaupo sa unahang hilera ng mahahabang upuan.
"My condolences, po." Mahinahong wika ni Catherine. Tumango naman si Sharleeze. Nakasuot ito ng puting damit. Matapos siyang humalik sa matanda ay hinanap ng mga mata niya si Ivan. Nasa isang sulok ito, umiiyak. Kasama ni Martha. May kung ano sa puso niya ang parang kinurot nang pinung-pino. Si Francis naman ay naupo na muna sa tabi ni Sharleeze. He says many good things about Travis. "Francis, dito ka muna. Lalapitan ko lang si Ivan." Tumango naman ang binata.
Catherine made her way to the corner where Ivan and Martha, seated. Nakita niyang hagod ng dalaga sa likuran ang binata. Nang makarating siya sa tabi ng mga ito ay tumikhim siya. Simply letting the two know that she's around.
"Ivan.." marahang tawag niya. Ivan raised his head to her. And his eyes seems like questioning her. "Ivan, kasama ko nga pala si Francis."
"Martha, please leave us." Saad ni Ivan sa mahinang boses. Mugto ang mga mata nito dahil sa matinding pag-iyak. He touched the seat next to him, indicating her to take a seat beside him. Marahan namang naupo ang dalaga. Hawak niya ang binata sa magkabilang balikat saka tuwid siyang tumingin sa mga mata nito. And Martha has left them.
"Nakikiramay ako, Ivan." Saad ni Catherine. "Kaybilis ng mga pangyayari. Parang kailan lang nang makilala ko si Secretary Madrigal."
"Gano'n talaga ang buhay, Catherine." Tugon ng binata habang ang mga mata ay nakatanaw sa kinaroroonan ng lola niya at ni Francis. "Hiram lang ang buhay natin."
"Alam ko, Ivan. Alam ko kung gaano kasakit ang mawalan ka ng mahal sa buhay. Alam kong masakit, lalo pa at ito ang ikalawang beses na nawalan ka." Wika ni Catherine. "I am very sorry, Ivan."
He glimpsed at her eyes. Reading the words behind it. And right now, he wants nothing but a hug. He rapidly hugs her, tight.
"Mula ngayon, ayoko nang mawalan pa ulit ng mahal sa buhay! Wala man lang akong nagawa para sagipin ang buhay ni grandpa. Isinusumpa kong magbabayad ng mahal ang mga taong responsable sa pagkamatay niya!" wika ni Ivan habang yakap nang mahigpit ang dalaga.
"Diyos na ang bahalang magparusa sa mga salarin, Ivan. Walang magandang idudulot ang anumang bagay na maiisip natin sa ngalan ng paghihiganti. Mayroong karma at di natutulog ang Diyos." Sabi ni Catherine saka bahagyang humiwalay sa yakap ni Ivan. Tinitigan niyang muli sa mga mata ang luhaang binata.
"Bakit si grandpa, pa? Maraming masasamang loob ang nabubuhay sa mundo, bakit hindi na lang sila?" says Ivan. Breaking down.
"Dahil mabuti ang Diyos. Binibigyan pa niya ng pagkakataon ang mga masasama upang magbago. At hindi na Siya makapaghintay pa upang kunin na ang mga taong mayroong magandang kalooban." Wika ng dalaga. "At kung nasaan man ang lolo mo ngayon, tiyak nasa mabuting lagay na siya. Kasama ng Diyos. At magiging bantay niyo na siya."
Muli siyang niyakap ni Ivan, narrowly this time.
"At ikaw, gagawin ko ang lahat huwag ka lang mawawala sa akin."
"Never akong mawawala saiyo, Ivan." Saad ni Catherine saka niya dinampian ng halik sa noo ang binata. "Alam ko na po Mr.Valencia ang ibig sabihin ng bawat sulyap mo kay Francis. He is just a friend. Dumalaw sa bahay upang ihingi ng tawad ang ginawa ng kanyang Mama. Si Señora Leonora."
Bahagyang napangiti si Ivan. Pero nang maalala niya ang minsang nasabi ni Señora Leonora noon sa kanya, bigla siyang napatitig sa dalaga.
"Siya na ba yung lalaking patay na patay saiyo, noon?" Tanong nito sa seryosong boses.
"Noon 'yon, Mr.Valencia. Alam na niyang may boyfriend na ako ngayon. At alam niyang mahal na mahal kita. Kaya sana iwasan mo'ng kwestyunin ang pagmamahal ko para saiyo." Masuyong wika ni Catherine. "Besides, hindi ko siya type. Guwapo nga siya pero mas type ko ang cool guy na kagaya mo. Yung tahimik na tao at malalim ang personalidad pero mapagmahal."
Ivan did smile. Kissing Catherine on her forehead.
PINAGHANDA naman ng mga kasambahay ng kape at pastries si Francis. Nang tumayo si Sharleeze ay biglang lumapit si Martha sa binata.
"Hi." Nakangiting bati ni Martha." Martha." Saka niya inilahad ang kamay sa binata.
"Francis." Tugon nito saka kinamayan ang dalaga.
"I saw you both arrived." Sabi nito saka inginuso si Catherine."Friends?"
"Dati ko siyang minahal." Tugon ni Francis. Having the pride when he says that. "Kaanu-ano mo ang mga Madrigal?"
"Lewis Ivan Madrigal Valencia was my first love. Lost contact lang naman ang nagpalabo sa relasyon namin noon." Tugon ni Martha. Nang mapansin niya si Jewel na papalapit sa ataul ni Travis ay tumahimik siya. Nagpakawala na lang siya ng malalim na buntong-hininga.
"But, I guess he has moved on from you." Saad naman ni Francis. Saka tumingin sa kinaroroonan ng naglalambingang sina Catherine at Ivan. "And I guess they are both in love."
"Alam kong kay Sofia pa rin in love si Ivan, Francis." Sabi ni Martha na bahagya pang nakataas ang isang kilay nang sulyapan ang dalawa sa huling row ng mga upuan.
"Sofia, who?" maang na tanong ng binata.
"Catherine's twin sister. Sofia died two years, ago. And I could tell that Ivan likes her because he sees Sofia in her." Sabi pa ni Martha. "I want him back, and if you still love Catherine, why don't we work for it together?"
Napabuga ng hangin ang binata. Sumimsim siya ng kape mula sa mug. Saka muling napasulyap sa kinaroroonan nina Catherine at Ivan. Habang pinag-iisipan ang alok ni Martha.
TBC
BINABASA MO ANG
REMEMBER ME THIS WAY
Любовные романыMARAMING taon na ang lumipas, ngunit hindi pa rin makalimutan ni Drake Lewis Ivan ang babaeng minahal niya nang lubusan.Si Sofia. Sofia was a very beautiful woman he has ever met.Such a beautiful woman that he couldn't believe to vanished. "You can'...